Thursday, December 29, 2016

Question and Answer

Question - Did you see Die Beautiful? I remember reading your stories and in one of the them you mentioned that the wife of Aris knew about your relationship with him. In the movie, the wife seemed to have accepted her husband's relationship with Tricia? Meron ba talagang acceptance?

Answer - I don't know if there is an acceptance. Siguro, resignation? The wife of Aris knew about us even before they got married. We were best friends in college and she was one of the first who knew what was going on between Aris and me, one of the first who said that there was nothing wrong, one of the first to say to go on and explore and one of the first to have warned me that I am going to get hurt big time when Aris and I separate.


I did not expect my relationship with Aris to prosper beyond sex. Initially, I chose him for a selfish reason - he was a very good looking guy but a PWD and I was thinking that nobody is going to like/love him and that he's going to be my boy toy for the rest of my life. E doon ako nagkamali, kasi nga ako I fell for him, e di mas lalo na yung opposite sex if they find out how great a person Aris is. Which I did, which unfortunately, Toni, his wife, eventually found out, too.

Gaya ni Tricia, I find it hard to believe that Aris loved me. Lagi kong sinasabi sa kanya that I was his comfort person because he was able to satisfy his carnal needs. Of course he gets mad if I say that. And I might be wrong. Hindi ko na dinetalye sa mga kwento ko about him how he was the wind beneath my wings during the horror years with my father. Kaya lalo akong nahulog ako sa kanya ng sobra-sobra kasi he was there when I was hurting the most, yung tipong bagsak na bagsak ang pakiramdam mo kasi ayaw maniwala ng Tatay mo na may mararating ka, yung ayaw mo ng maniwala sa sarili mo tapos merong Aris na mag-a-uplift sa yo.

Kaya nga grabeng sakit ng mag-asawa siya. Alam na naming pareho yun eh, na eventually mag-aasawa siya. E ako engot, nanaginip ako ng fairy-tale ending, ayun, nganga. Tiga Ayala ako pero alam mo up to now, hindi ko alam ang happenings around Ayala -saan may concert, may sale, may masarap na kainan, may magaling na bagong painters (ahahahaha mahilig akong bumili ng paintings). Nagulat nga ako minsang napansin ko na iba na pala ang hitsura ng Rufino Towers kung saan ako umiyak ng todo-todo ng magsabi sa akin si Aris na kakasal na siya, sa kanto ng Ayala at Herrera. Ang gulat ko nga ng minsang sabihan nila akong hindi na Herrera ang pangalan ng street na madalas akong habulin at suyuin ni Aris during my topak moments, Rufino na pala. Ganun kasakit eh to the point na pag-uuwi ako ngayon galing sa opis, towards the fire station sa Buendia ang daan ko instead of going towards EDSA.

Hindi ko alam kung full acceptance yung nangyari sa asawa ni Aris. Masakit yung may kahati ka e. Naramdaman ko yun noong mag BF/GF palang silang dalawa. Pero siguro, todong masakit para sa asawa ni Aris na ang kaagaw nya sa Mister niya lalaki rin. I am sure, ginawa niya ang lahat para mabura ako sa isipan ni Aris pero I think she has to resign to the fact na talagang parte na ako ng buhay ni Aris - yung pangalanan ang mga anak niya after me, yung gawin akong Ninong ng panganay in absentia, yung lagi akong laman ng kwento ng buhay niya (of course minus the sex na yun) to the point na kilalang-kilala na ako ng mga anak niya't pamilya ng asawa niya, yung effort to look for me after all those years of separation, ano pang gagawin niya? Syempre, hindi naman ako happy na nagiging cause ako ng disharmony sa isang bahay pero sabi ni Toni she has learned to live with the situation.

Cordial naman kami sa isa't isa kung nagkikita kami. Since maaksidente si Aris dito sa Pilipinas, tatlong beses na kaming nagkita. Sa totoo lang, ako ang nahihiya pag nangyayari yun. Awkward eh. Sobrang awkward. Ang bait niya pag nagkikita kami, wala akong maramdamang negative sa kanya, so sabi ko sa sarili ko killing me softly with kindness si Mrs. Sa maniwala ka at hindi, she informs me when Aris is sick lalo pag yung joints ng paa niya kumikirot dahil sa lamig. Grabe noh, mahal na mahal talaga niya si Aris and dapat mahiya na talaga ako pero hindi ko magawa. Selfish ako eh, lagi kong sinasabi hindi ko na siya mahal, may mahal na akong iba pero iba yung first love eh. Hindi man kayong dalawa sa pangkasalukuyan, yung bigkis na nagtatali sa inyong dalawa hindi napapatid eh. I tried, ilang beses akong nagpahasa ng gunting sa Hortaleza, hindi talaga mapatid-patid ang lintik na connection namin sa isa't-isa. .

Hindi ko pa sinubukang pumunta sa bahay nila sa Amerika pag pumupunta ako sa doon either for work or for pleasure.  Kahit makulit si Mrs for me to visit and sleep over for the night. Weird eh. (Ako pa ang choosy noh?) I don't like to push her too much, baka matauhan noh, ako rin ang mawawalan. Tsaka respeto na rin yun para sa kanya.

PS - pasensiya na kung magulo. Daming work. Grabe, todo na to. Pero sino naman ako para umangal. OK na yung hindi ka na halos nakikita ng nanay mo, yung pati aso niyo sa bahay tinatahulan ka na pag umuuwi ka, yung sabihan ka ng kapitbahay na isa akong hosto kasi madalas mag-uumaga na akong umuuwi. OK lang, pag madaming work - BUSY. Ano ba, sweldo agad nasa isip eh. hahahahah


Merry Christmas everyone. Have a blast this coming new year. Ingat sa M2M.









4 comments:

  1. Maganda p rin ang story mo manong kris One True Love

    ReplyDelete
  2. Merry X-mas n Happy New Year Manong Kris n Aris.wag k nang magpahasa ng gunting pr walang mapatid masarap pag my nagmamahal kahit no.2 lang tau isipin n lang ntin MY NAGMAMAHAL SAU ok

    ReplyDelete
  3. 09274621991
    09954611448
    09338522185
    09064694753

    ReplyDelete
  4. 09478805699 gusto ko ng jowa

    ReplyDelete