Sunday, March 27, 2016

Hindi Ako Guapo part 1

Hindi ako guapo, my maternal grandfather is. Maganda ang resulta ng pagkahalo ng dugong Intsik, Kastila at Pinoy sa kanyang hitsura. Kaya nga yung paghanga ko sa kanya gumradweyt sa carnal na pagnanasa.

Hindi ako guapo, my father is. Tsaka yung kapatid kong si Gaston. Magkamukha sila ni Tatay, ang tanging pinagkaiba lang nila ay ang kanilang kulay - medyo maputi si Gaston, nakuha niya sa lahi ni Nanay at kayumanggi si Tatay na minana ko naman. Altho ang sabi ng Nanay, magkakamukha kaming tatlo.

Pero sabi ng mga bff ko, kundi nga lang daw nila ako kilala ay malamang na pagnanasahan nila ako. Yung daw gray hair ko sa ulo at sa chin ay nagbibigay sa akin ng kakaibang karakter - dignified look, yun ang tawag nila.

Kaya hindi na rin ako nagtataka kung minsan ay nakakatanso ako ng kapwa lalaking nagkakagusto sa akin.

Gaya na lang nitong pasko, dalawang beses nadakma ang titi ko : isa sa mall at isa sa madilim na bahagi ng isang car sales office.


Thursday, March 17, 2016

One True Love 7 - You are my favorite hello and my hardest goodbye

Apat na araw na kwento ng pag-ibig

Linggo, Nobyember 2014

Aris,

Kanina, nagising ako ng maaga. Pinagmasdan kita habang natutulog ka. Matagal, matagal na matagal. Kayhimbing ng iyong tulog at may ngiti pa sa iyong mga labi. Ako ba ang dahilang kung bakit hanggang sa pagtulog ay masaya ka?

Hindi ko alam kung naramdaman mo pero ilang ulit kong hinalikan at hinaplos ang iba't-ibang bahagi ng iyong mukha. Kung baga sa exam, parang minememorize baka kasi hindi na kita makilala sa muli nating pagkikita.  Mangyayari kaya yun na malimutan ko ang hitsura mo? Hehehehe.......

Pero habang pinagmamasdan kita, nilukuban ako ng matinding lungkot. Sobra-sobrang lungkot. Kaya paano ko tutuparin ang pangako ko sa iyong hindi ako iiyak pag-alis mo e andito ka pa nga sa tabi ko....

Nasa ibaba ang driver ko, siya na ang magdadala sa iyo sa airport. Kaya kong tanggapin na wala ka na sa tabi ko at kaya ko ring manabik sa iyong pagbalik but to watch you leave, baka sumabog ang puso ko.

Francis

Tuesday, March 1, 2016

Kasalanan ni Jimmy

Kasalanan talaga ni Jimmy. Kung hindi niya ko niyayang dumalo sa Single Anonymous, hindi sana ako feeling guilty ngayon.

Aktibo sa simbahan si Jimmy at ang kanyang asawa at dahil walang available space sa simbahan ay sa bahay nila ginanap ang meeting ng nasabing samahan.

Doon ko nakilala si Mang Duarding, na sa tantya ko ay in late 50s to early 60s ang gulang. Matangkad, slim, pustoryoso at mukhang may lahing Intsik dahilan para mapadalas na mapadako ang tingin ko sa kinaroonan niya. Pamilyar ang mukha ni Mang Duarding, hindi ko lang maalala kung saan kami nagkita. Siguro'y napuna niya ang madalas kong pagtingin sa kanya, kaya lumapit siya sa akin. Bigla akong kinilig ng maupo siya sa tabi ko, malakas ang appeal sa akin ng mga taong may edad.  Ewan ko ba, sila talaga yung mga trip kong ikama.. And he reminds me a lot of my maternal grandfather na sa tingin ko ay lalong gumwapo ng siya ay tumanda.

Biyudo daw siya at walang magawa sa bahay kaya dumalo siya sa pagtitipon sa bahay nina Jimmy na kasamahan niya sa simbahan.

To cut the story short, he started teasing me when he found out that in my 40s, I was still single.

"Binabae ka siguro kaya wala kang asawa" noong una ay natawa ako sa pagtukso niya sa akin. Binabae, anong dekada naman kaya gamit ang terminong yun.