Thursday, January 7, 2016

Ang Misteryo ng Pinatubo by Ginoong A. Serrez

ANG MISTERYO NG PINATUBO
By Ginoong A. Serrez

Alas ocho y media na ng gabi, kaya nagmamadali na akong sumakay ng bus tangan ang isang napakalaking knapsack galing sa paglalaro sa isang gym sa Tarlac City upang madali akong makarating sa Capas Junction. Pawisan pa rin at gutom na gutom dahil sa sobrang intense ng laro na pinagawa ng trainor ko. Sinadya ko ding magpaabot ng ganoong oras dahil ayokong maghintay sa McDonald's gaya ng napag-usapan namin at alam kong matutukso akong kumain ng marami.

Oo, may ka-meetup ako, pero business lang... at business na hindi ko naman talaga gawain dahil wala naman akong kaalam-alam sa pagiging tour guide. Kahit na pa matagal na kami dito sa Capas, ni minsan, hindi pa ako nakakatungtong sa Pinatubo. Kungdi nga lamang talaga sa pakiusap ng isa sa mga naging kaibigan ko noon na dati kong katrabaho sa isang kompanya sa Global City, wala akong balak magventure sa pagiging tour guide.

"Sige na naman," pamimilit sa akin ni Bea noon, pagbabalik-tanaw ko.

Iyon iyong tono at pakiusap na mahirap tanggihan pero kailangan ko talagang gumawa ng paraan para makatanggi.

Tuesday, January 5, 2016

The One With The First Experience

I am not a writer, I'm just a person who is bored, can't sleep and want to share a story.

Ever since I was a kid I know that there's something different about me, maybe it has something to do with my Dad not always being around, laging nasa trabaho, or being the only guy sa bahay. But this is not about that, this is about my first experience.

High school ako noon, in my 3rd year. I had this friend and classmate ko din siya, itago natin siya sa pangalan na Carlo. Carlo is one of those teenagers na horny palagi, madaming nakakausap at nakaka trip, balita pa nga sa klase nun ay may mga porn or nude pictures siyang nakatago sa phone niya galing sa mga nakakausap o nakaka trip niya.