Thursday, March 17, 2016

One True Love 7 - You are my favorite hello and my hardest goodbye

Apat na araw na kwento ng pag-ibig

Linggo, Nobyember 2014

Aris,

Kanina, nagising ako ng maaga. Pinagmasdan kita habang natutulog ka. Matagal, matagal na matagal. Kayhimbing ng iyong tulog at may ngiti pa sa iyong mga labi. Ako ba ang dahilang kung bakit hanggang sa pagtulog ay masaya ka?

Hindi ko alam kung naramdaman mo pero ilang ulit kong hinalikan at hinaplos ang iba't-ibang bahagi ng iyong mukha. Kung baga sa exam, parang minememorize baka kasi hindi na kita makilala sa muli nating pagkikita.  Mangyayari kaya yun na malimutan ko ang hitsura mo? Hehehehe.......

Pero habang pinagmamasdan kita, nilukuban ako ng matinding lungkot. Sobra-sobrang lungkot. Kaya paano ko tutuparin ang pangako ko sa iyong hindi ako iiyak pag-alis mo e andito ka pa nga sa tabi ko....

Nasa ibaba ang driver ko, siya na ang magdadala sa iyo sa airport. Kaya kong tanggapin na wala ka na sa tabi ko at kaya ko ring manabik sa iyong pagbalik but to watch you leave, baka sumabog ang puso ko.

Francis

Our park in Legaspi St.
Thursday Night, November 2014

"Dito tayo nagsimula, dito na rin natin tutuldukan ang nakaraan natin" kumunot ang aking noo sa sinabi niya. Hindi ko yun inexpect.

"May mahal na kong iba, at na-realize ko mas mahal ko siya ngayon ng bumalik ka pero ni minsan hindi ko naisip na tuldukan ang nakaraan natin. Lagi kong uulitin sa iyo, you will always have that special place in my heart."

"Ganoon ka rin sa buhay ko Francis at dahil mahalaga ka sa akin, kailangan na nating isara ang nakaraan at simulan ang unang pahina ng chapter 2 ng ating buhay, dito sa Intramuros, kung saan nagsimula ang lahat sa ating dalawa."

"No string attached?" balik ko sa kanya

"Wala bang string attached kung magkaibigan?"

"Malamang, belt unbuckled pwede pa ba yun sa chapter 2?" sagot ko sa kanya. Lumapat uli ang labi ko sa labi niya.

"Pwedeng-pwede" kinuha niyang aking kamay at ipinatong sa kanyang umuumbok na harapan tapos kinuha niya ang kanyang cp at nagtext habang binababa ko ang zipper ng kanyang pantalon.

"Magagalit ang gwardya" sabi ko sa kanya bago ako yumuko at isubo ang titi niya.

"Tinext ko si Papa para kausapin ang gwardya" sagot niya habang tuluyan na niyang ibinaba ang kanyang pantalon.

"Kala ko di mo na kaya ang quickie" hinigop ko ang ulo ng titi niya.

"E di tagalan mo." bumuga ng hangin si Aris " Francis, ssssarrapp" wala na kong pake kung front page kami sa newspapers bukas. Tutal, lawyer siya at marami akong kamag-anak na nasa pwesto, tuluyan kong hinubad ang lahat ng kanyang saplot at sinimulang halikan ang buong katawan niya.

Okay Aris, let's make another memory.

Past Midnight to Midnight, Friday, November 2014

Nag-ring ang aking CP. Pinababalik ako sa office. Inihatid ko si Aris sa kanyang kotse pero hindi pa kami halos nakakaalis sa harap ng aming iskwela ay agad ko siyang tinawagan.

"Sandali, sandali" sabi ko sa kanya. Nang maabutan ko siya ay hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa "halika sa kotse. Hahatid ko siya sa hotel Pa" paalam ko sa tatay niya "as soon as possible"

"O, ingat kayo. Maraming loko ngayon" paalala ni Papa.

"May syotang pulis Pa, protektado" singit ni Aris.

"Bigamya yan" sabi ng Tatay ni Aris.

"May abugado naman siya Pa" sagot ulit ni Aris. Gusto ko sanang magtakip ng mukha sa hiya pero kailangan pa bang magsinungaling sa tatay niya.

"Iingatan ko po si Aris Pa, magaling ho akong manuntok" sumakay kami sa aking kotse and sat in silence.

Pagdating sa opisina ay agad kong binuksan ang aking computer. Pinaupo ko si Aris sa tagiliran ng aking computer. Lingon ako ng lingon sa kanya habang nirerepaso ko ang report na hinihingi ng aming Hongkong office. Ilang saglit ang lumipas ay tumayo ako. Nilipat ko si Aris sa harapan ng aking mesa.

"Para mas maganda ang aking view" paliwanag ko sa kanya. Mabilis ang pagtipa ko sa aking computer dahilan para magkaroon ako ng maraming pagkakamalli. "Shiiiiittttt naman" I muttered. Revise ulit. Mali ulit. Revise. Mali. Revise. Mali. "Asar naman"

"Hindi naman ako mawawala, relaks ka lang" hindi ko siya tinignan. "Close-open, close-open" nilaro ko ang aking mga kamay pero wala sa utak ko yung ginagawa ko. Nagring ang telepono.

"Ten minutes" sabi ko sa kausap ko but I know I will not be able to finish in ten minutes. Tumayo ako at kumuha ako ng kumot ko sa aking closet (I have one in the office). Tinakpan ko si Aris. "Don't say a word, kailangan kong tapusin to" sabi ko sa kanya.

After fifteen minutes, the phone rang again.

"5 more minutes" I bargained. Lumapit ako kay Aris, tinayo ko siya at dinala sa labas ng aking kwarto. "Don't say a word" sabi ko uli sa kanya "I need to finish something"

The phone rang again. "Almost done" sabi ko "please stop calling me" I pleaded. Lumabas ako to check on Aris. He was smiling at me. I wagged at my finger at him "Don't, please. I can't concentrate" bumalik ako uli sa computer, hindi ko talaga mabalanse yung figures. Lumabas ako ulit. Pinagmasdan ko si Aris. Matagal. Longer than "almost done."

"Wag kang aalis" ngumiti lang siya sa akin. Bumalik ako sa loob ng aking opisina pero hindi talaga ako mapakali. Lumabas uli ako, itinayo ko si Aris, isinandal ko siya sa isang mesa, niyakap ko siya ng mahigpit tapos binuksan ko ang kanyang zipper at nilabas ang ari niya. Hinalikan ko ang titi niya. Mabilis na tumigas ang titi niya.

"That's more like it. Sinisiguro ko lang na ikaw talaga ang nasa harap ko" namaywang ako sa kanyang harap "you, you are making me very happy. Don't say a word, just wait for me" he nodded. "I think I can work now"

Bumalik ako sa computer. Putsa, pag kumakanta ang puso mo sa saya, pag walang agam-agam sa utak mo, ang dali lang balansehin ng lahat. Hindi lang ng mga numerong nasa harap ko kundi pati na ng buhay. Ang daling balansehin.

Nang matapos ako ay pumunta kami ng hotel. Nasa lobby na ang Tatay niya, kumuha pala ng separate room.

"Aalis ka na mamaya Pa, sayang naman."

"Dito ka na matulog ng makarami pa kayong dalawa"

"Pa naman" protesta ko.

"Pinatutulog ko yung driver mo sa kwarto ko" dedma talaga si Papa "ng makapagpahinga. Pahahatid ako sa airport mamaya"

"Oks" sabi ko tsaka kami pumanhik sa aming mga kwarto. "Oh, andito na pala yung prosthetic mo?"

"Oo, almost one week na"

"Bakit di mo sinuot?"

"Baka magsungit ka na naman eh" binato ko siya ng unan "tulog na tayo" nahiga siya sa tabi ko. Surprisingly, kahit nasa tabi ko siya na halos hubad na (he was just in his pajamas) ay walang sex na namagitan sa amin. Yakap, yun ang ginawa ko. Yakap ako ng yakap, pipikit ko yung mata ko tapos didilat at kung kuntento na ko ay pipikit uli ako. Tapos didilat. Tapos pipikit.

"Matulog ka na, hindi ako mawawala" he said.

After sending off his father to the airport, Aris and I decided to walk along Ayala Avenue.

"Ang dami na talagang bago. Parang binura na lahat ang memories natin dito" sabi ni Aris.

"Ito pa rin ang Ayala natin, ayan pa rin yun building kung saan kita huling iniyakan, wala na nga lang ang Smart diyan"

"Anong balak mo mamaya?"

"Half day lang ako sa office" sagot ko.  His eyes lit up.

"Dadalaw ako sa Amorsolo. Dating gawi?" he grinned mischievously.

"Ikaw" tumango siya at naglakad papunta sa dati niyang opisina.
Lunch time, nagkita kami sa kanto ng Legaspi at Carlos Palanca. Pinuntahan namin yung bilihan ng pagkain.

"Wala ng "Jollijeep" he said. Bumili kami ng munggo at galunggong tsaka adobo.  "Wala na si Manang"

"Wala na. Ewan kung totoo ang tsismis pero ng makatapos daw ng medicine yung anak, tumigil na" si Manang na nakapwesto sa kanto ng C. Palanca at dela Rosa.

Pwesto kami sa aming park.

"Wala na yung bench natin" sabi ko sa kanya. "Ilang taon kasing hindi ko dinalaw o kahit daanan man lang ang lugar na to. Sad eh"

"Pero mas dumami na ang puno. Mas madali ng makakahipo dito" sagot niya.

"Tukmol" tinuro ko sa kanya ang maraming tao na tumatambay sa parke.

"Kung gusto, magagawan ng paraan" kinuha niya ang aking kamay at ipinatong sa kanyang pundilyo. Kinurot ko ang titi niya.

"Hindi na tayo bata"

"Sa Intramuros pwede, sa Makati hindi?" tawa niya. "Hindi masarap at kulang sa lutong tong galunggong"

"Gaya mo rin"

"Hindi na ko malutong pero masarap pa rin to." pagkatapos naming kumain ay naglakad kami papuntang Greenbelt.

"Wala na rin ang Chili's" ng matapat kami sa dating kinaroroonan ng paborito naming kainan.

"Mabuti ngang nawala na" sagot ko na ikinapula si Aris

"Sus" yun lang ang nasabi niya

"Guilty" tukso ko sa kanya. Pinanggigilan ko ang ilong niya, pinisil-pisil ko yun. "Where Francis Gabriel was officially deemed as unacceptable" dagdag ko.

"Hindi naman ganun"

"Halika na. Bad vibes eh" sa dinami-dami ng lugar na iniwasan ko sa Ayala Business Center, Greenbelt ang hindi ko talaga kayang puntahan. Up to now, kahit OK na kami ni Aris.

"Inaapi mo naman ako eh"

"Aris, sa tagal nating dalawa, dito ko lang na-feel na ikinahiya mo ako. Very important day, nawawala ka, you turned off your phone and then you lied"

"Hindi naman unaccepted Francis"

"O sige na nga dumped na lang"

"Hindi ganun Francis" lumapit siya't umakbay sa akin "mali ako for lying to you about that night pero hindi naman dumping ang ginawa namin noon. We were just celebrating for passing the board exams. Yung mga text ni Toni sa yo, hindi ko alam yun. Kilala mo naman ako, hindi naman ako papayag na gawin yun ni Toni."

Pinangako ko sa aking sarili na ang nakaraan ay nakaraan na pero hindi ko talaga napigil ang pag-akyat ng dugo sa aking utak.

"But of all the places, bakit sa Chili's. Lahat ng masaya sa ating dalawa sa Chili's natin isineselebrate, tapos sa Chili's mo rin ako papatayin, ano yun, bakit, to make sure na mamatay talaga ako sa inis?"  Iniwan ko siya, blindly walking until I found myself infront of New World's Hotel.

"Shit" I muttered to myself. Chili's tapos New World. Ano yan, parusa.

"Hindi lang naman kasi ikaw ang may happy memories sa Chili's" si Aris "tama ka, lahat ng masaya sa atin, sa Chili's nangyari at dahil masaya ako, doon din kami nag-celebrate." hindi ako sumagot. I might say something that I might regret later but inside, I was boiling.  Isinara ko ang aking mga mata and took a deep breath. Nang palagay ko kalmado na ko, idinilat ko ang aking mga mata para ayain sana si Aris na umalis na sa lugar na ito. Pero wala siya.

Shitttttt. Iniwan na naman ako. Iniba lang ang lugar, pero iniwan talaga ako. Kumulo na ng husto ang dugo ko at dahil wala akong mapagbuntunan ng inis, tiniwagan ko si Vener.

"Kasalanan mo e. Tahimik na ang buhay ko, binigay-bigay mo pa ang number ko. Lagot ka sa akin, kugtarak to ti lateg mo" (sisipain ko ang bayag mo)

"Manong? Kalma, hinga ng malalim. Kalma. O ano bang problema, gusto mo ba pa-hold departure natin tapos patira ko sa mga goons?"

"Gago. Hindi ako nagbibiro"

"O gusto mo, itali ko tapos ikaw ang bumugbog para mailabas mo ang galit mo ng todo-todo"

"Vener, kampihan mo naman ako. Umayos ka naman, tell me something that is not insane"

"Manong, ang una mong gawin, aminin mo sa sarili mo na galit ka pa, tapos aminin mo rin na kahit galit ka pa, mahal mo pa rin siya. Ganun lang naman kasimple yan"

"Ukinnam"

"Manong, may ginawa ka na bang masama?"

"Malapit na"

"Manong, kalma. ano man ang problema tandaan mo lang, negative plus negative, negative din ang resulta. Ikaw nagturo sa akin niyan. Wag kang gagawa ng anumang pagsisihan mo"

"E wala ka dito, sinong pagbubuntun----" biglang may umagaw ng cp ko. Si Aris. Tinignan niya ang cp ko.

"Pare, aayusin ko. Pangako" binalik niya sa akin ang cp sabay hila sa akin papasok sa hotel.

"Ayoko dito. Ayoko. Magwawala ako"

"Di magwala ka, basta sumama ka sa akin. Mag-usap tayo."

"Ayoko" galit na anas ko sa kanya. Alam niyang hindi ko gagawing magwala sa Ayala Business Center, this is my turf at mas malaki ang tsansang may makakakilala sa akin dito. Hinila niya ko papunta sa elevator.

Tapos ay pumasok kami sa isang kwarto.

"Usap tayo" sabi ni Aris.

"Ayoko"

"Ang labo naman. Hindi na tayo bata. Ako na lang ba lagi ang susuyo at iintindi?" hindi ako sumagot "Ano, ayaw mo rin dito sa New World, kasi may memories din tayo dito?" Instead of sitting besides him, kumuha ako ng papel at lapis sa table tapos ay tumayo ako sa harap niya.

"Sa banyo muna ako. Susulat ko lahat ng hinanakit ko sa iyo. Lilista ko lahat para walang makalimutan"

"Teka" pumunta siya sa table at dinampot ang isang pad ng stationary "baka kulang ang isang page"

"Funny, hahahaha"

"Pakalalaki ka naman paminsan" pahabol niya sa akin. SA loob, sinimulan kong magsulat. Lahat ng hinagpis ko sa buhay pati yung wala siyang pakialam, sinama ko.

"Shitttttt" I hate writing. My mind is faster than my fingers kaya parang kinalahig ng manok ang sulat ko. Mauubos na ang stationaries. Isip-isip. Isang oras ang lumipas bago ako lumabas. Nakahiga siya sa kama. Tinabihan ko siya. Kinuha ko yung isang kamay niya at ginawa kong unan.

Walang kumikibo. Tila naghihintay bawa't isa kung sino ang mauuna. Tumagilid ako at sinalat ang kanyang dibdib.

"Okay na ba tayo?" hindi ako sumagot. Inabot ko sa kanya ang stationary "o, bakit walang nakasulat"

"Sorry na. E sa childish ako e."

"Tigilan mo na kasi kapapanood ng mga drama"

"Tulog na tayo" niyakap ko siya ng buong higpit.

"Wag kang magagalit Kris sa sasabihin ko sa yo ha. Wag laging init ng ulo ang paiiralin mo. Wag laging walk-out. Bawasan mo ang insecurities mo sa katawan mo. At lagi mong iiisipin, may nagmamahal sa yo."

"Tapos na?" tumango siya "siguro kaya ako nasaktan ng husto kasi hindi ko nasabi kahit kanino yung sakit ng loob ko. Yung hindi ko maikwento o masabi bakit ako nalulungkot. Nobody to share it with. Kahit sa best friends, hindi ko maikwento yung buong kwento. Natatakot akong mapagtawanan e. Natatakot akong masabihan na isa akong ilusyanado."

"Alam ko namang hindi tayo panghabangpanahon pero napressure ako ng husto - mahal na mahal kita pero aside from your family and some schoolmates kanino ko ba pwedeng ipagmalaking may mahal ako at may nagmamahal sa akin. Lahat tago e. Sabi ng Tatay ko, walang pupuntahan ang pagmamahalan ng dalawang lalaki, kahit hindi niya ko diretsahin, alam ko ako ang sinasabihan niya eh kaya noong sinabi mong mag-aasawa ka na parang nakita ko yung Tatay ko, pinagtatawanan ako. Mga ganung drama ba. Kuha mo ba?"

"Naiintindihan ko Kris" sagot niya. Ilang minuto rin kaming nanahimik bago siya nagsalita ulit "Kris?"

"Huh?"

"Mas gusto mo ba na sana hindi na lang ako dumating sa buhay mo para hindi ka na lang nasaktan?"

"Ha?"

"Kasi kung ako, hindi ako nagsisi na dumating ka sa buhay ko. Walang bola yan"

"No regrets ako Aris. Totoong marami akong sakit na naranasan pero kaya wala akong naisulat sa stationary pad kanina kasi, naisip ko lang, you made me happy, ganun e."

"Made? Past tense na talaga?"

"Ikaw yata ang madalas manood ng drama e" kinurot ko siya sa tagiliran "tulog na tayo.

Sabado, November 2014
This picture is not mine.



Pagkagising, napagkasunduan naming bumalik sa Intramuros.

"Wala na tayong kilala sa admin, matanda na tayong talaga" sabi ko kay Aris.

"Almost 25 years na tayong wala dito, ano naman mga tao sa school natin kamag-anak ni Methuselah (a bible figure who lived at the age of 900+)"

"Funny" sagot ko sa kanya as we made our way up the walls again.

"Dating place talaga ang lugar na ito" sabi ni Aris "I wonder kung gaano karami ring love story gaya ng atin ang nabuo dito"

"Dami agad, tayo lang yun" sagot ko. Nakiusap kami sa ilang estudyante to give us the space sa aming kanyon.

"Meron yun kahit noong sinisimulan pa lang itayo ang Intramuros. Imposibleng wala" bigla siyang natawa when he remembered something "kung alam mo lang how I hated myself during the infancy stage of our relationship"

"Pero nakakatawa ka, ikaw naman ang sobrang pasensiyoso at mapagmahal ng matanggap mong masarap palang mahalin ng bading"

"Pag hindi ka tinotoyo Francis, ang sarap-sarap mong kasama. Yung understanding mo sa buhay and the way you laugh at adversities, iba"

"Laugh ka diyan, tinatago ko lang lahat ng sakit sa ilalim ng carpet pero pag nag-iisa na ko, lahat ng sakit, magically, lumulutang. Alam mo ba kung gaano kahirap yun noong nawala ka. Kasi noong andyan ka, pag may problema ko, andyan ka. Pag nagwo-walk out ako alam kong hahabulin mo ako kaya gumagaan ang lahat kasi alam kong kahit may demons ako inside meron isang gaya mong ang haba ng pasensiya na i-uplift ang spirit ko. Alam mo, you remind me so much of my father, oh he was a loving, kind man. Ang haba ng pasensiya niya kahit kanino, well of course, except sa akin."

"So mukha pala akong Tatay" umakbay sa akin si Aris.

"Kakainis ka naman e, nagmomoment ako e"

"Pero ako, talagang nainis ako sa sarili ko at sa iyo ng una mo akong pagsamantalahan" ngumiti siya sa aki ng pagkatamis-tamis. "Pakiramdam ko sinamantala mo yung insecurities ko, masyado akong vulnerable that time. Sabi ko sa sarili ko, eto lang ba ang worth ko, yung bakla lang ang magmamahal sa akin. Ang masama pa niyan, nasarapan ako ng todo-todo sa sex part. Inis na inis ako tuwing nakikita kita pero hinahanap-hanap ng katawan ko yung bibig mo, yung pagdampi ng labi at dila mo sa buong katawan ko."

"Assuming naman masyado tong matandang to. Mas marami namang gwapo sa yo sa school tsaka may paa sila"

"Pero hindi ka sigurado kung malaki rin ang titi nila gaya ko tsaka sariwang-sariwa dahil untouched ng iba" kinindatan niya ko "tapos gustong-gusto kitang pinapaaiyak pero nagseselos ako pag may ibang nagpapakita sa iyo ng kabutihan"

"Ano ka ba, hindi mo aminin, noon pa man, ang ganda-ganda ko na talaga." tumawa kami ng pagkalakas-lakas sa sinabi ko.

Halos madilim na ng makabalik ang aking driver sa Intramuros. Nagpaalam itong may aayusin sandali sa kanilang bahay. Nasa bandang San Marcelino, pabalik sa Mandarin Hotel, ng ibahin ni Aris ang aming usapan.

"Pero aminin mo, wala na talaga ako sa puso mo. Katabi na lang sa kama ang tingin mo sa akin" sabi niya.

"Ha? Sabi ko sa yo noon di ba, ano man ang mangyari, kahit mayroon na akong iba, lagi kang nasa puso ko. Hindi ka na mawawala. Parang peklat di ba, kahit anong gawin, hindi na mabubura lalo na keloid pa naman ako. Siguradong kitang-kita ka sa puso ko"

"Peklat? Ang daming pwedeng example peklat talaga pinili. Ganun ba talaga kita nasaktan?"

"Ha? Anong movie nga tong sinushoot natin? Ano nga?" pinisil ko uli yung ilong niya't tinusok-tusok ko yung kanyang tagiliran.

"E bakit di mo ako iniimbita sa condo mo? Balita ko yung mga espesyal lang daw ang dinadala mo dun, ibig sabihin......"

"Traffic kasi, inaalala ko lang yung layo mo sa airport" I cut him off "Willie, tingin sa kalsada, wag kang tsumismis dito" sabi ko sa aking driver "halika na, kiss kita, lapit na" idinikit niya ang kanyang pisngi pero ng inilapit ko ang aking labi sa kanya ay bigla siyang humarap sa akin kaya labi niya ang nahalikan ko.

"Bastos na matanda" sabi niya sa akin sabay tawa ng malakas.

"Tsaka sino naman maysabing espesyal lang ang dinadala ko dun?"

"Driver mo tsaka yung pinalit mo sa akin"

"O sige punta tayo sa condo para walang away"

"Wag na, napipilitan ka lang yata eh"

"Uuuuy, Kuya, laos na si Guy and Pip ang baduy na kung sila pa ang ginagaya nating dalawa" piningot ko yung driver ko "hoy lalaking tsismoso, balik muna tayo sa New World at i-check out natin siya tapos sa condo tayo"

"Naka-check na Sir kasi sabi ko" habang kamot niya ang kanyang tenga "sigurado namang papayag kayo"

"Tukmol ka talaga"

"Sorry Sir. Sa CaliGarden na ba tayo tutuloy?"

"Yes, tapos uwi ka na. Maaga ka bukas, ikaw din hahatid sa kanya sa airport"

Pagdating namin sa itaas ay nagulat si Aris sa ayos ng bahay.

"Uso na internet, dami mo pa ring pocketbooks" sabi niya sa akin while browsing the books in my mini-library.

"E iba pa rin ang books"

"Sa kuripot mong yan, gusto mong bumili ng books na tatapusin mo lang in two days tapos hindi mo na gagamitin ulit."

"Sira. Ang binibili ko lang yung mga alam kong magiging dog-eared, the rest yung mga tinatawag nating one-minute read, binabasa ko na sa bookstore, hahahahaha" he continued browsing.

"Wow, mahilig ka talaga sa mga thriller" pumunta ako sa aking kwarto.

"Eto ba ang hinahanap mo?" addict ako ng mga novels ni Ludlum pero paborito ko sa lahat ang Bourne Trilogy.

"Kala ko tinapon mo na" it was actually his books na inangkin ko.

"Tatapon ko e memorable sa akin ang mga books na to. Tanda mo, masyado akong naadik sa Identity at hindi kita pinapansin kaya nagjakol ka tumalsik yung tamod mo sa page 32/33  kaya hindi ko mabuksan, para masuspense ako sabi mo tapos noong sinimulan kong basahin yung Supremacy, kinuha mo yung pangalawang libro, nilagyan mo rin ng dagta yung page 32/33. Hahahaha. Pero kulang, kinuha mo yung Ultimatum bago ka ikasal, sabi mo dadagtaan mo pero hindi mo na ibinalik" pumunta siya sa kanyang maleta at may kinuha.

"Ito?" iniabot niya sa akin ang pocketbook.

"Mabubuksan ko ba ang page 32/33?"

"Hindi ko nadagtaan, hindi ganado" lumapit ako sa kanya, sinimulan kong tanggalin ang butones ng kanyang polo.

"Kaya mong dumalawa ngayong gabi?"

"Malakas pa to" sabay flex ng kanyang imaginary muscles sa magkabilang braso. Hinalikan ko ang kanyang dibdib habang tinatanggal ko naman ang butones ng kanyang pantalon. Tinulak ko siya kama at hinubad ko ang kanyang pantalon.

"Matigas na agad" I said smiling at him.

"Kilala ang amo" sumandal siya sa headboard, inabot ko sa kanya ang libro.

"Gusto kitang panoorin" he smiled at me as he started to massage his cock. Tayong-tayo ito and despite the years, pinkish pa rin ang ulo. He gave me back the book. Binuksan ko ito sa page 32/33 at inilapit sa ulo ng titi niya.

"Hmmmmm" he moaned softly. Sinara niya ang kanyang mga mata. Lumalim ang kanyang paghinga. Kinuha ko ang aking telepono at kinunan ko ang kanyang mukha habang patuloy siya sa paghimas sa kanyang titi. Matapos ko siyang kunan ay pinagmasdan ko siya. Hindi ko napigilan ang aking sarili, hinalikan ko siya sa pisngi at dinampian ko ang kanyang mga labi. Tapos ay pinagpatuloy ko ang pagtingin sa kanyang mukha. It was a face of a man at peace. Without a doubt, I will never forget the way he looked that Saturday night of November, 2014. Without a doubt, this man, this man who made my heart fluttered/flutters, will always be in my heart.

Dumilat ang kanyang mga mata, nakangiti sa akin. I smiled at him, he was saying something but I was so happy looking at him that I could not understand what he was saying. He waved his hand in my face and he started to laugh.

"Bakit?"

"Hindi mo tinapat ang libro, nilabasan na ko" sabi niya. Kahit narinig ko na ang sinabi niya ay nanatiling nakapako ang aking paningin sa kanya.  "Francis, Francis"

"Ang daya naman" sabi ko ng makita ko ang nakakalat na tamod sa kanyang tiyan.

"We have the whole night" hinimas ko ang titi niya hanggang sa tumayo uli ito tapos ay sinimulan ko itong jakulin. "Ako ba ang hahawak ng libro?" tanong niya uli.

"Ako na, gusto kitang panoorin" kinuha ko ang libro tapos ay tinapat ko ito sa ulo ng titi niya. Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya yumuko ako at dinilaan ang kanyang bayag.

"Ahhhhhmmmmmm" tumingin ako sa kanya. Pikit uli ang kanyang mga mata, he look happy. Again, I stood up and took a picture of him tapos pinagmasdan ko uli ang kanyang mukha, minasahe ko ang ibabang bahagi ng kanyang labi "ahhhhhhhh" parang musika sa aking pandinig ang kanyang pag-anas. "Krissss, ahhhhh" bumaba ako sa kanyang bayag at dinila-dilaan ko ito "Krissssss" lumakas ang kanyang tinig, naramdaman ko ang panginginig ng kanyang tuhod hanggang sa tumigil ang kanyang pag-ungol.

Naupo ako sa kanyang tabi. Kumalma na ang kanyang paghinga. Pagdilat ng kanyang mga mata ay nakita niyang nakatingin ako sa kanyang mukha. Ngumiti siya sa akin.

"Hindi na naman nasalo" sabi ko habang nakakatitig pa rin ako sa kanya.

"Starstruck ka pa rin"

"You just don't know how happy I am tonight" sagot ko. Yumuko siya't tinanggal ang kanyang artipisyal na paa tapos ay hinila niya ako sa kanyang tabi.

"We will be happy Francis, we will be"

"Yes" sagot ko. Tumayo ako at naghubad tapos ay naupo ako sa kanyang tabi. Isinubo ko ang titi niya, hindi ko tinigilan ang pagtsupa sa kanya hanggang sa siya ay labasan. Tapos ay dumapa ako sa kanyang katawan. Pinagdikit ko ang aming mga ari tapos ay sinimulan kong kantutin ang kanyang matigas na titi. Ilang ulos ang aking ginawa hanggang sa maramdaman ko ang pagkawala ng aking tamod sa kanyang katawan.

Humigpit ang yakap niya sa akin.

"Wag kang iiyak pag alis ko. Magkikita pa tayo." hindi ko siya sinagot. Ayokong magsinungaling bagkus ay hinalikan ko ang kanyang mukha, ang kanyang tenga. Niyakap ko siya ng buong higpit, mahigpit na mahigpit.

Hindi ko nga alam kung paano pa namin nakuhang matulog dahil pakiramdam ko ay magdamag akong nakahiga sa kanyang katawan.

Sunday, November 2014

Nagising ako ng alas-dos ng madaling araw. Gaya ng nakagawian ay nagbasa ako at sumagot ng e-mail. Tapos ay inupload ko ang mga larawan ni Aris. Bumalik ako sa kama, matutulog pa sana ako pero natuwa akong pagmasdan ang mukha ni Aris. Maaliwalas ito, masaya, gaya ng una kaming magkita sa lobby ng aming iskwela. Lumapit ako at marahang pinisil ang kanyang ilong, tapos bumaba ang aking mga daliri sa kanyang mga labi. Ngumiti si Aris, akala ko ay gising na siya pero nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata.

Hinalikan ko ang kanyang buhok, papunta sa kanyang noo. Noong una ay pilit kong pinigil ang lungkot na aking nadarama ngunit mabilis itong kumalat sa aking katawan - mula sa aking puso, mabilis itong nagpunta sa aking ulo, sa aking mata, hindi ko napigilan ang pag-iyak.

Naligo ako, tapos ay nagbalik sa aking computer. Ilang saglit lang, umalis ako ng condo.

Aris,

Kanina, nagising ako ng maaga. Pinagmasdan kita habang natutulog ka. Matagal, matagal na matagal. Kayhimbing ng iyong tulog at may ngiti pa sa iyong mga labi. Ako ba ang dahilang kung bakit hanggang sa pagtulog ay masaya ka?

Hindi ko alam kung naramdaman mo pero ilang ulit kong hinalikan at hinaplos ang iba't-ibang bahagi ng iyong mukha. Kung baga sa exam, parang minememorize baka kasi hindi na kita makilala sa muli nating pagkikita.  Mangyayari kaya yun na malimutan ko ang hitsura mo? Hehehehe.......

Pero habang pinagmamasdan kita, nilukuban ako ng matinding lungkot. Sobra-sobrang lungkot. Kaya paano ko tutuparin ang pangako ko sa iyong hindi ako iiyak pag-alis mo e andito ka pa nga sa tabi ko....

Nasa ibaba ang driver ko, siya na ang magdadala sa iyo sa airport. Kaya kong tanggapin na wala ka na sa tabi ko at kaya ko ring manabik sa iyong pagbalik but to watch you leave, baka sumabog ang puso ko.

Francis

Sa presinto ako pumunta, kay Vener, kung saan alam ko na pwede kong sabihin ang kahit ano na ng walang magtatawa o maiinis sa akin. I need to unload.

Sunday, CaliGarden, November 2014

Pagbalik ko ng aking condo ay malinis at maayos na aking kwarto. Napalitan na ang bedsheet at pillowcase. Sa ibabaw ng kama, ay may isang plastic na supot - sa ibabaw ng plastic ay may maikling mensahe - "REMEMBRANCE " - sa loob ng plastic ay ang mga beddings na aming ginamit.

Lumapit ako sa aking computer - muli ay may mensaheng nakadikit dito

"CHEATER - you left without a proper goodbye. Left you a voice message, check iTunes"

Mabilis kong binuksan ang iTunes and listened to his message.

"Francis" panimula niya "I saw the pictures that you took, no wonder you liked me a lot, I was you know, like one of those Greek Gods that came to earth. Hahahahaha, pati ako na-inlove sa sarili ko. Sana, you took an x-rated video of me, upload it on youtube, I would have been a sensation. Sikat bigla.

But still, I left you an x-rated remembrance. One that will, I hope, errr, bind us more????? hahahaha. Pix in iPhoto but actual remembrance is on the floor of the library. Now, you won't be able to read page 32/33 again. Pinaghirapan ko yan hahaha, bukod sa nakailang putok na ko at walang inspirasyon sa tabi ko, hirap na hirap akong tapatan ang libro at sobrang nginig na ng tuhod ko kaya hindi ko na madampot hahahaha

But we are more than sex, right? Sex is just the spice but it is not the center of our lives, right? Hahahaha, alright, I am not making excuses, as long as we can we will still go to bed. OK? OK? I hope you are OK, aha, it would have been great going to the airport together. Mas masaya sanang umalis kung kasama kita, kwentuhan, tawanan, kahit suntukan siguro konting groping  pwede hahahaha anything kahit na iyakan kung kasama sana kita.....

Hindi ko alam kung kelan tayo magkikita uli pero magkikita tayo uli, OK? We can facetime or skype or tango or viber, heck you are not a techie. Learn that, OK? You got to learn that because it will be better than exchanging notes. OK?

Alam mo ba kung ano ang pinakamagandang pangyayari sa muli nating pagkikita? Maliban sa nabunot na ang tinik sa ating samahan, alam ko at sana ay ganito ka rin sa muli nating pagkikita, the best thing is that we can now laugh and be happy together again. Isn't that great?

Napahaba na masyado hahahaha . Bye for now but we'll see each other again. OK?

Mapula man ang mata ko sa kaiiyak, hindi ko napigilang ngumiti. Yes Aris, yun na nga ang best thing na nangyari at mangyayari sa atin - we can now laugh together again then everything else will follow.





















10 comments:

  1. hay kua gaston, im very very happy for you, kc po kahit papaano nabigyan ng pagkakataon na magkita kau ni kua aris, and at the same time to reminisce kahit pa ang mga masasakit na nangyari sa inyo, pero that's part of life kua...mas masarap po balikan ang lahat ng memories pag walang tinik sa dibdib, sabi nga ni kua aris nabunot yun ng magkita uli kayo, isa lang po ang magandang naidulot nito sa inyo sa tingin ko po yung magandang tinginan niyo e bumalik...hoping to read more on your blog kua...and more power and I hope someday I will meet you...


    regards po
    -iamronald

    ReplyDelete
  2. A very good read again. It is ironic that love can give us so much happiness and so much sadness. When I read your entries on your one great true love, I do silently wish that you will find peace and contentment as you go on with your life. Why do we have "hellos" and "goodbyes"? May be to prepare us to the last goodbye. I can only imagine the pain it brings us to forever think that we may not see our loved one again but experience and faith tell us that there is indeed a life after our life and I pray for you and Aris to be together forever. We have a God who is just and loving, isn't it?
    Be happy for somebody loves you too and it is a reason enough to be thankful...

    Ric

    ReplyDelete
  3. naiyak ako dito. ang ganda. i can relate.

    ReplyDelete
  4. Hi.im mardion alanes ..im looking for a benifactor who can support my financial need..i can do wat ever u want. Bfe,i can fuck u in ass, u can bj my dick.etc. u can reach me at 09286150384. To view my pic. just search my name at fb.

    ReplyDelete
  5. Teary eyed na naman ako sa kwento ng buhay mo manong! Saklap lang talaga ng ginagawa ng tadhana sa atin. I do actually hope na mabasa ko sa page mo na magkikita kayo ulit. At maisulat mo dito. Di ko lang kasi alam anong date nung nagkita kayo sa SG. Takte lang, nunga andun ako I've tried to sneek out from my mates just to be on the places na sinabi mo sa chapter na yun. But anyways. Sana lang happy ending ang maging kinalalabasan ng love story nyo ni Aris. Pero ganda mo rin e. Aside kay Aris may Venner ka pa! Aside sa kanya may mga kahook ups ka pa sa family mo. Omaygash. Ikaw na! Anyways,looking forward sa next chapter ng story mo.

    -Dominico

    ReplyDelete
  6. Ksex nga po jan...txt me at 09460322140 or 09286150384...im Mardion Alanes..callboy ako.. search nyo nlng name ko sa fb.

    ReplyDelete
  7. Ganda tear eye ako my fav one true love gusto ko sanang m meet kau ni aris i love you guys god bless

    ReplyDelete
  8. One true love i love it i love you gus Aris n Kris god bless us

    ReplyDelete
  9. Ganda tear eye ako my fav one true love gusto ko sanang m meet kau ni aris i love you guys god bless

    ReplyDelete
  10. Naiyak ako pero happy rin kc maayos n samahan ninyo ni aris sana my karugtong pa nagkita n b ulit ni aris kwento nman i love one true love god bless us

    ReplyDelete