Sunday, December 13, 2015

My Most Valuable Person (MVP)

Mang-aagaw, magnanakaw yun ang madalas na itawag ko sa kanya noong kami ay bata pa.

Bakit?

Well, ilista natin ang mga bagay na inagaw niya't ninakaw sa akin -

tocino, paboritong damit, paboritong sapatos, paboritong laruan

yun lang? how trivial, wait meron pa -

kwarto, nawalan ako ng kwarto actually nagsimula yun sa kama, gusto niya yung kamang hinihigaan ko na nasa loob ng kwarto ko and because the bed was too big to be moved, pati kwarto naging kanya.

pero may kinuha siya sa akin na dumurog ng husto sa aking puso -

Ang pagmamahal ni Tatay.

I should hate him, dapat lang di ba? But I couldn't............

Dahil ang lalaking kumuha ng lahat ng mahalaga sa akin ay mahalaga din sa akin -

Gaston, my dearest brother, my BFF, my MVP.

Magkamukhang-magkamukha kami kaya madalas kaming pagkamalang kambal - na labis kung ikinatutuwa at labis niyang ikinaiinis hindi dahil sa magkamukha kami kundi dahil sa pinagkakamalan siyang matanda at ako naman ay mas bata (older by almost three years) Ang akala nga ng mga anak niya, Kuya ko siya, na lalong ikinabanas niya (hahahahaha)

Dapat galit ako sa kanya -

Apple of the eye ako ni Tatay e until ewan ko naman kung anong radar meron tong si Tatay at naamoy niyang bading ang kanyang dayunyor at an early age.

So ang nangyari, naging anino ako sa mata ni Tatay - tama, anino - yung alam mong andyan pero hindi mo binibigyan pansin. Tapos lahat ng atensiyon, lahat ng papuri, lahat ng pagmamalaki nalipat sa kanya.

Taga-salba. Yun ang tawag ni Tatay sa kanya. From what, si Tatay lang ang nakakaalam.

Pero hindi ko makuhang magalit kay Gaston. Una, he is naturally sweet. Nanakawin nga niya yung tocino, ngingiti pa siya ng buong tamis tapos bigla niyang lalawayan yung tocino para hindi ko na mabawi. Tapos yayakap siya sa akin at sasabihin niyang 'Sorry Manong kasi naubos ko na yung share ko, wala na kong ulam' tapos saka niya ko hahalikan sa magkabilang pisngi hanggang sa ako na magreklamo sa dami ng halik niya.

Tsaka

Para namang sinabi niya kay Tatay na siya na lang ang mahalin at hayaan na lang akong mag-isa. In fact, yung coldness ni Tatay sa akin ang naging susi ng pagiging malapit namin sa isa't-isa.

Pero may isang ginawa tong mang-aagaw at magnanakaw kong kapatid na nawindang ako.

To gain something, you need to lose something sabi sa akin ni Bro.

Akala ko he was just being poetic when he said that to me. Naintindihan ko lang ang lahat ng mag-asawa siyang bigla.

Ay, nag-asawa ang tiga-salbang anak, you should have seen my father, was he disssssappointed and pissed. Grabe, kung hindi pa nagkaanak si Brother hindi siya kikibuin ng Tatay. Tiga-salba nga kasi, e ang taas pa ng lipad ni Tatay ng magtapos si Gaston as second best sa PMMA. Aba e cadet engineer palang si Gaston may allowance na sa barkong pinag-OJT-han niya kaya ng grumadweyt ang buset, aba kandumahog ang Tatay sa paghahanda. Yun lang, nag-asawa agad ang kumag. Must have been very difficult for Tatay to accept hindi talaga siya marunong kumilatis ng totoong ginto.

Since BFF kami, sinabi ko ang tampo ko sa kanya - sana naman tinulungan mo si Manong na makapagpagradweyt kahit isa man lang kapatid.

"Gusto ko kasi Manong, maging bida ka uli kay Tatay" sagot niya.

"Huh?"

"Di ba sabi ko sa yo, to gain something you need to lose something" nandilat ang mata ko sa kanya. "Galit siya sa akin, balik ka na sa pagiging apple of the eye niya"

"Sira, susugal ka sa isang hypothesis na hindi naman sigurado. Pano kung forever magalit sa iyo?" crazy di ba?

"Hindi yun makakaayaw sa lambing ng apo" sagot niya.

"Hindi naman guaranteed na magiging apple of the eye uli ako. Kagaguhan naman yang katwiran mo, tumakas ka lang sa responsibilidad mo dito sa bahay e"

"Alam mo ba Manong bakit labs na labs kita? Wala tayong responsibilidad dito sa bahay and here you are feeling responsible for all of us. Kaya susugal ako para sa iyo."

Batok ang naging sagot ko sa sinabi niya. Of course, close pa rin kami sa isa't-isa. Nagrereklamo na nga ako sa kanya dahil tuwing baba niya sa barko, in remembrance of our hungry years kung saan pudpod na ang sapatos ko na nilalagyan ko ng cardboard para magamit pa, lagi siyang may dalang sapatos for me - rubber shoes, walking shoes, driving shoes, formal shoes, sandals - sabi ko nga i-cash na lang eh......

At hindi naman immediate na naging apple of the eye ako but thanks to my sira ulong kapatid, unti-unting bumalik ang atensyon ni Tatay sa akin.

At gaya ng sabi ni Gaston, naglahong parang bula ang tampo ni Tatay ng magkaanak siya. Walo ang naging anak ni kapatid. Limang babae tapos tatlong sunod-sunod na lalaki. At dahil seaman si Brother, ako Tatay ng mga anak niya pag naglalayag siya.

Nang pangalanan niyang Francisco Gabriel ang kanyang bunso ay natuwa ako ng sobra-sobra, patay na kasi si Tatay by that time - sabi ko thanks for honoring Tatay with that name. Hindi ako makakapagproduce ng sarili kong anak at least with him, may next generation Francisco Gabriel carrying our surname sa lahi namin. Yung dalawa ko kasing kapatid na babae sa Amerika, pareho rin silang may Francisco Gabriel na anak e iba na surname nila kaya very happy ako sa ginawa niyang yun.

Pero napaiyak ako sa sinagot niya sa akin -

"Sorry kay Tatay at wag siyang magtatampo sa akin but I named my son after you dear Bro. Gusto kong maging kasing magmana ang anak ko sa iyo."

"Gusto mong maging kwestyonable rin ang pagkatao niya?" out ako kay dear Bro.

"No problem Manong, isa lang ang sisiguraduhin ko, mamahalin ko ang anak ng walang kundisyon."

Bola man yun o hindi, he sure made me happy. Mali, hindi pala happy, verrrrrrryyyyyy verrrrry HAPPY.

Happy birthday my dearest brother. Have fun, be happy and thanks for loving me, unconditionally.


P.S.

My brother's birthday is today, December 13. He shares the same birthday with my other significant one, Vener. The other significant one - Aris,  birthday's falls on August 13. Ha-ha, who says 13 is not a lucky number.









2 comments:

  1. Pang telenovela talaga ang buhay mo Kiko.

    Happy holidays to you.

    Late man ang greeting, nag greet pa rin.

    Walter

    ReplyDelete
    Replies
    1. I can only make my own fairy tales when writing, dun lang siguro nailalabas lahat ng ifs, buts and whens ng buhay ko.

      Happy holidays din Walter. Alam mo, whenever I read you, I feel like am talking to a Kuya. I was born, eto na ang totoo, Feb 29, 1972. So does that make you my Kuya or does that make me your Uncle? hahahahahaha

      Habing said that, I really wish that I'd be strong and brave enough to meet some of you here. Maski paano, sa tanda kong ito, I can feel kung inuuto lang ako but I'd probably live the rest of my life hidden in a closet..... I feel more comfortable that way.

      Having said that (again), ganun na din ang sagot ko sa lahat ng mga nag-e-email asking for i2i....

      Delete