Saturday, January 10, 2015

Celebrity Boso



Hindi ito kwentong may sexual encounter. Siguro, may kalibugan din dahil merong bold scene, hehehehe.

December 2014

"Nong, nasa office ka pa ba?" it was a message from James, inaanak ko sa kasal. Dati kaming magkasama sa trabaho, under my supervision yung asawa niya tapos siya naman sa Material Planning. Nang malipat siya sa isa sa pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas, pinag-resign niya yung Misis niya.

"Yup" it was 2am. Wala pa atang isang minuto ang nakalilipas ng mag-ring ang DL ko.

"Nong, pwede bang pumunta diyan si Geoffrey?" pinsang buo niya si Geoffrey, isa sa mga sikat na leading man sa mga teleserye at pelikula.

"Wheo?"

"Kailangan niya ng trench coat, para sa syota niya"

"Hindi naman kami gumagawa ng trench coats for men"

"Sa gf yun Nong"

Umiistyle... sa Monumento

The sex was uneventful, the situation, however, was one for the Ripley's.

December 23, around two pm

From the mall kung saan ako naka-iskor, nagdesisyon akong umuwi.

"Trabaho pa rin? Wala ka pa sa bahay, tawag na sila ng tawag yadadadadayadadadada"

"Uuwi na po"

"Pag nakahiga ka na sa kabaong tignan ko kung yadayadayadadadadada"

"Hello, hello? Lobat Ma, tatawagan kita. Hello?" pinatay ko ang cp bago pa makasagot si Nanah Magenta (yun ang tawag ng mga apo niya sa kanya e)

"O, ikaw bakasyon ka na" habilin ko sa driver ko "duda ko, sa ospital tayo magpapasko. Wag ka ng pumasok bukas, 25 dalhin mo yung pamilya mong legal, sa uno yung illegal"

"Isa lang pamilya ko Sir" piningot ko siya. Ganyan ako kay Willie, I treat him like a younger brother o  nephew. No malisya.

"Then baka ospital na tayo."

Ang trapik, grabe. Pumikit ako. Grabe sakit ng ulo ko. Tapos nilalamig pa ko ng todo. Nasa tapat kami ng Balintawak LRT station ng muli kong idilat ang aking mga mata. Trapik pa din. Sinenyasan ko si Willie. Alam na niya gagawin ko. Bumaba ako ng kotse at sumakay ng LRT.

Pagbaba ko sa Monumento, ang daming tao. Sige na nga, last minute shopping din ako. And that is where the weird encounter happened.  It was so weird that you might even say that what I have to share is nothing but a pigment of my wild and rich imagination.