Wednesday, December 31, 2014

One True Love 6.1 - “I've learned that people will forget what you said, people will forget what you did, but people will never forget how you made them feel.”

August 13, 2014

"Naiihi ako"

"Teka, tatawag ako ng....."

"Ikaw na" mabilis niyang nahawakan ang aking kamay.

"Seryoso?"dapat pa ba akong magduda sa narinig ko.

"Nasa ilalim yung plastic urinal" Ewan ko ba, para akong first timer, a virgin who knows exactly what will/should happen pero kinakabahan pa rin. Or excited? Ibinaba ko ang pajama niya, nag-init ang aking mukha ng muli kong masilayan ang titing kaytagal ding nagpasaya sa akin. Ibinaling ko ang aking paningin sa kanyang mukha - a mischievous grin was on his face. Mabilis ko siyang pinaihi tapos ay nilagay ko ang plastic urinal sa banyo. Pagbalik ko sa kanya ay halatang-halata ang umbok sa harapan ng kanyang pajama.

"Palinis naman, may tumulong ihi sa paligid, mag-aamoy mapanghi ako."

"Baka may makakita sa atin, baka kung ano isipin nila."

"Pwede mo namang ikandado ang pinto" para akong robot na sumunod sa sinabi niya, lock the door. Kinuha ko yung box ng wet ones, binaba ko uli yung pajama niya tapos ay pinunasan ko ang paligid ng titi niya.

"Diyan lang ba ang dapat na punasan?" he was looking at me, intently.

"Dito naman tutulo yung ihi, di ba?" patuloy ang punas ko sa kanyang singit, sa hita, sa ilalim ng bayag, ulit-ulit pero iniwasan kong punasan ang tigas na tigas na titi ni Aris

"Ayaw mo na ba?" nanginginig ang kamay ni Aris ng hawakan niya ang kamay ko at dalhin ito sa titi niya, punong-puno ng antisipasyon ang kanyang mga mata, gaya nung una ko siyang tsinupa sa bahay nila.


Mabilis ang aking kilos, agad kong sinubo ang titi niya - buong-buo, pinasok ko sa aking bibig, kung kinaya ko lang siguro ay baka isunobo ko rin pati ang kanyan bayag. No second thoughts, no care about his situation, ang alam ko lang hindi ko dapat palagpasin ang pagkakataong ito. Lahat na ata ng alam ko sa pagpapaligaya sa lalaki ay ginawa ko sa kanya sa mga oras na yun, wala na akong pakialam kung halos nagkalat na aking laway sa kanyang  pang-ibabang katawan. Madalian ang aming kilos, hindi dahil sa takot kundi sa sobrang pananabik sa isa't-isa. Nginig na nginig ang kanyang katawan sa bawat pagpasok niya sa aking bibig hanggang sa maramdaman ko ang kanyang tamod sa aking dila, sinalubong ko ang paglabas ng kanyang katas at hindi ko pinayagang muli pang bumaba ang kanyang katawan.

"Ahhh Kris, wag mo akong bitiwan Kris, ahhhhh, Kris, wag mo akong bitiwan" mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking ulo.

Nang kumalma ang aming damdamin ay naupo ako sa gilid ng kanyang kama. Mataman siyang nakatingin sa akin, smiling and caressing my arm.

Masakit pagmasdan ang kanyang ngiti. Mga ngiting dati ay para lang sa akin. Magkakasama kami pero hindi na siya akin. Sobrang kalungkutan ang bumalot sa akin when that realization hit me. Hindi ko na itinaas ang kanyang pajama, mabilis akong tumayo at lumabas ng kanyang silid, ng ospital.  I walked as fast as I can without looking back. Tsaka lang ako tumigil sa paglalakad na makaramdam ako ng pagod. Ewan ko kung reflex o dahil nakagawian ko na noong kami pa, lumingon ako sa aking likuran at kahit alam kong hindi pwede ay nakaramdam ako ng disappointment ng hindi ko siya sumunod sa akin.





July 2014

It was 12am when my DL rang. I was still in the office.

"Find the FB account of Toni."

"Tony?" babatukan ko naman tong barkada ko, sino naman si Tony.

"Asawa ni Aris" natigilan ako. Since his wedding, wala na akong balita tungkol kay Aris except when his father came to offer his condolences when my father died. Sabi niya, may anak na si Aris, lalaki. Hindi ko masyadong naasikaso si Papa (tawag ko sa tatay ni Aris) at hindi rin siya nagtagal.

"Hello, andyan ka pa ba? Hello? Hello?"

"Wala akong FB tsaka kahit meron ayoko."

"You have that porn account, sige na, go look or you'll be sorry. Bye."

Halos isang oras din bago ako naglakas-loob na hanapin ang FB account ng asawa ni Aris.

"Dear FB Friends - please pray for the fast recovery of my husband. He is presently confined at ABC Hospital.  We need your prayers. Salamat po."

Hindi na ko nag-isip pa, agad ay tinext ko ang taong alam kong hindi magtatanong o manghuhusga sa akin.

"Pwede mo akong samahan sa ospital?"

"Sige Manong, hintay lang, ayusin ko lang dito, tapos punta na ko sa yo"

"Hindi ba pwedeng ngayon na. Please?"

"Sige"

Almost 3am na ng makarating kami sa ospital, pumunta ako sa information and inquired about Aris. Nasa Trauma Intensive Care (TICU) daw. Nakiusap ako kung pwede siyang makita. Sabi nila immediate family lang.

"Halika Manong" tututol sana ako sa ginawang niyang paghila sa akin pero naunawaan ko ang gusto niyang mangyari ng pumunta kami sa emergency exit at pumanhik sa hagdan. Takbo ako, halos three steps ata yung hinahakbangan ko para makarating agad sa trauma unit.

"Gusto ko atang magselos" in my haste, I forgot him.

"Wag kang magalit ha. Excit----"

"Shhhh" sabi ni Vener sa akin "joke lang Manong. Naiintindihan ko." Sinenyasan niya akong magpatuloy sa pag-akyat.

Pagdating namin sa TICU ay may kinausap si Vener sa nursing station. May tinawagan sila sa telepono at ilang saglit pa ay pinayagan nila akong pumunta sa viewing window. Halos malaglag ang puso ko ng makita ko ang taong nakahiga sa kama - para siyang mummy, halos balot ng benda mula ulo hanggang baywang, tapos ay may nakasuot na parang metal vest sa kanyang katawan.  Nabangga daw yung kotse sa punongkahoy.

Hindi ako nagtagal. Yung feeling na pinipigil ko yung aking paghinga when I am extremely agitated, pakiramdam ko, aatake na naman. The last time that happened, siya rin ang dahilan. Alam ko darating ang panahon na magkikita kami uli, but I never imagined na ganito.

"Sorry, thoughtless ako" sabi ko kay Vener pagdating namin sa akin condo.

"Nagkita tayo uli Manong, yun ang mahalaga. Tinataguan mo kasi ako."

"Pasensiya ka na, busy lang talaga. Kita mo naman saan mo ako sinundo kanina. Kain ka?"

"Pwede pa ba kong magpahinga dito Manong?"

"Di ko naman binawi ang susi mo e and I didn't change the lock."

"Mukha ka ng malnourish, gusto mo lutuan kita?"

"Pwede ba? May time pa ba?"

"Shower lang ako, tapos pahinga konti. One hour Manong gisingin mo ako." Bumalik ako sa computer, basa/sagot emails. Hanggang sa makatulog ako.

Paggising ko ay nasa sofa na ako, balot ng kumot. Almost 12noon na. Mabilis akong bumangon pero wala na si Vener. Pumunta ako sa kusina para kumain then showered.

Then I did another odd thing - inilabas ko ang aking lumang cellphone and charged it. It was my first cp w/camera, dito ko inilagay yung luma kong sim.

An hour after, I heard a message alert tone. Mabilis ang takbo ko papunta sa lumang cp but there was no message then I realized na yung new CP ko pala ang tumutunog. I smiled at myself, ano nga ba naman ang inaasahan kong mangyari. After so many years, ah, masyado naman akong mahal ni Aris kung maalala pa niya ang cp ko.

"Who am I kidding, of course, I still remember pero pasensiya na kung may ngiti na sa aking mga labi. Kailangan ko rin namang huminga." I sent the message to Aris' old number. Sira ulo na talaga ako. I picked up my new cp and sat down to read my message which turned out to be messages.

Ang dami including missed calls, from the office. I scanned my message box, no message from Vener.

"Thanks for today. Bassit met dyay pinakbet. Mas naimas ngata no bagnet ti inusar mo." (Konti lang yung pinakbet, mas masarap siguro kung bagnet (parang letsong kawali) ang ginamit mong sahog) text ko kay Vener. Bumalik ako sa computer to answer my emails. An hour after, I checked my CP, no reply from Vener. Balik ulit sa computer, then took a nap na hindi naman pala nap dahil the following day na akon nagising.

"Hindi mo kailangang magpaliwanag sa akin Manong, tawag/text ka lang kung gusto mong bumalik sa ospital. No need to play hide and seek."  from Vener.

"Wen Apong" I texted back. Pero kinahapunan, bumalik akong mag-isa sa ospital. Mas madaling palang makiusap pag visiting time pa kaya nagawa kong sumilip uli sa glass wall. Ganun pa din ang hitsura niya. Hindi rin ako nagtagal, natatakot ako sa maaring mangyari.

Almost a week na mula ng bisitahin ko si Aris sa ospital ng makarinig ako ng tunog ng telepono. Dinampot ko ang aking landline, wala. Ako kasi yung ringer ng phone ko at lahat ng CPs ko, iisa - yung lumang telephone ring. E sa korni ako noh.

Hinanap ko yung current CP ko pero kinakabahan ako habang naghahanap ako. Kinutkutuban ako. Then I saw my old CP. Nanaginip lang ako, nanaginip lang ako. Bumaba ako at dumiretso sa kitchen, then I went to the toilet. Para akong gago, bumilang ako ng 1 to 100, tapos 1 to 50 tapos 1-100 hindi ko alam kung ilang beses kong inulit-ulit ang pagbibilang tapos lumabas ako ng toilet.

Nag-ri-ring pa rin ang telepono. Tumakbo ako pabalik sa kwarto ko, hindi na panaginip yun. Tinignan ko ang ko ang luma kong CP - daming missed calls from General Dodonna, my alias for Aris.

"May the force be with you" I texted, ang lakas ng kaba ko knowing that I know already who owns that number. Instead of a message reply, my phone started to ring again.

"Hello?" boses ng babae.

"Yes?" stupid me for sending that message, nabasa siguro ni Toni (wife of Aris). I braced myself for a fight.

"Naaksidente si Aris"

"Why are you telling me?"

"Hindi ba dapat? Parte ka ng buhay niya, mahalagang parte ng buhay niya." Hindi ko alam ang isasagot ko so I decided to keep quiet. "Ayaw mo bang bumisita?" hindi pa rin ako sumagot. "Nasa TICU kami in case you want to come." Ang dami kong gustong sabihin, gustong itanong pero walang lumalabas sa bibig ko. "Kris? Kris, hello?"

"Am here" finally found the courage to speak.

"Kris"

"Yes?"

"Am sorry" then she started crying, wala naman akong maisagot. "Sana, you know, sana lang, let's bury the past and be friends again, like before"

"Toni?"

"Kris?"

"Is he going to make it?"

"Sabi ng mga doctors, he is more stable now pero comatose pa rin siguro dahil na rin sa brain swelling. Nag-insert sila ng tube sa ulo niya para mabawasan ng fluid but if his condition does not improve baka mapilitan to operate."

"Don't worry, kinaya nga niya yung cancer, he'll win this one for sure."

"Please come."

"Medyo busy ako, sige, tignan ko but I have to go now, office is calling me. Bye" hindi ko hinintay yung sagot niya. An hour after, I called Vener.

"The wife called. Punta ba ako?"

"Pumunta ka Manong"

"Natatakot ako. Baka permanent goodbye na to."

"Kaya nga mas lalo kang dapat pumunta. Kausapin mo, awayin mo, kahit ano pero mas makakabuti kung pumunta ka para walang pagsisi sa huli. Punta ka, samahan kita?"

"Sige ngarud, umayka Apong, darasem" (punta ka Lolo, bilisan mo).

Pagdating namin sa ospital ay nasalubong ko sa lobby ang mga magulang ni Aris. Inaya nila akong pumanhik. Nagpaiwan si Vener.

"Francis, come here, meet you namesake, your Ninong Kris" isang binatilyo ang lumapit at nagmano sa akin. Tapos humalik siya sa pisngi ko. Shit, kamukhang-kamukha ng Tatay. "Mas gwapo sa Tatay niya, mas kamukha ko" pabirong sabi ni Papa ng mapansin niya ang matagal kong pagkakatitig sa kanyang apo.

"O punta lang kami sa TICU Administrator, paalam ka namin. You'd probably be screened, don't get offended Hijo" paliwanag ni Mama "but, iniiwasan namin ang infection."

Naupo kami sa waiting area tapos nainip na siguro tong katabi ko kaya binasag na niya yung katahimikan between us.

"Ninong, pwede po magtanong?"

"Ha? Ano yun?"

"Ang dami ko pong alam sa inyo e, favorite NBA team, favorite Star Wars character, you like Batman, I even know na niligawan ni Daddy ang girlfriend mo po e."

"Ha? loko talaga yang Daddy mo."

"Si Dad, he could yak for hours about you kaya nagtataka po ako bakit wala po kayo sa buhay namin ng mahabang panahon. Did you have a falling out?"

"Ha? Hindi, wala. Pumunta ako sa office ng Daddy mo noon, sabi nila, nag-abroad na daw. Nawalan lang ng komunikasyon."

"Umiyak daw po kayo nung kasal ni Daddy, tama po?"

"Ha? Sinong may sabi?" nayko, anong tanong yun, baka sa susunod, itanong niya kung naging kami ng Tatay niya.

"Si Daddy"

"Engot talaga yang Tatay mo" he smiled. "Bakit?"

"Yun din ang sabi ni Daddy, para daw po kayong engot nong kasal niya."

"Naku, babatukan ko Tatay mo. Gumawa pa ng kwento. Umiyak? Hindi, mali naman yun. Naka-hard contact lens ako that time" I suddenly found a reason to laugh when I saw him looking at me quizzically "hard contacts, wala na ba yun ngayon, but anyway, research mo na lang sa internet, I was using one, kasi naman I wanted not to be the odd man out, alam mo kasi I was the only one na naka-eyeglasses kaso hindi ako sanay tapos hindi pa ata tama yung pagkakalagay, masakit talaga, kaya umalis ako ng simbahan to seek medical treatment. Namaga yung mata ko for almost two weeks tapos pagpunta ko sa opis ng Daddy mo, sabi nila wala, akala ko nga galit sa akin at ayaw makipagkita, yun pala totoong nag-abroad na."

"Bakit hindi niyo po kami hinanap?"

"Saan ko naman kayo susulatan?"

"May internet na po Ninong"

"Hindi ako computer savvy, alam ng Daddy mo yun tsaka wala naman akong social media account. Hindi ko hilig."

"Nagtatago ka daw po kasi sabi ni Daddy kaya wala ka daw po sa Internet"

"Ha? Kanino?"

"Sa first love mo daw po."

"Ha?" naku Aris, you better not come out of this alive because I am going to skin you alive. I dunno how sharp this kid is but I hope hindi niya naiintindihan ang pamumula ng mukha ko.

"Kasi daw po, pinaiyak ka ng first love mo e. Is that why you are still single?"

"Dami mo namang alam, ilang taon ka na ba?"

"I can read and write when I was two, Ninong. Age is just a number."

"Oh, parang ako, I can read and write when I was..."

"That is not why I was named after you. Tingin ko po, he so badly wanted to remember you always po ata kaya I was named after you" he cut in.

"Do you like it? I mean, being named after a stranger."I said para maiba naman ang tema ng usapan namin.

"Hindi ka naman po stranger Ninong. We always talk about you po e kaya nga po ako curious about you."

"I waited for your father to write " yun naman talaga ang totoo. Logistic person ako, madali para sa akin ang maghanap pero gusto kong utuin ang sarili ko e, kasi lagi naman niya akong sinusuyo noon kahit ako yung may pagkukulang kaya umasa akong kahit pampalubag loob ay susulatan niya ako. Naghintay ako until my heart numbed and started to get disillusioned with love. Kaya it took me ten years before I entertained the idea of falling in love again.

"Pero sinulatan ka ni Daddy, yearly po, hanggang ngayon po. Kaya nga po naisip kong may away kayo kasi sabi ni Daddy lagi daw pong return to sender e."

"Sinabi siguro ni Daddy mo yun para hindi ka na lang magtaka kung bakit wala ako sa buhay niyo."

"No Ninong, I cannot speak po for the years na hindi pa ako aware, pero nung nakakasulat na po ako, I'd send you po christmas or birthday cards, lagi pong binabalik sa amin. Mali daw po yung address." Nilabas niya ang ilang envelope and gave it to me. "Ang naisip ko nga po, it is not a wrong address, you were not just accepting it po" binasa ko yung address sa mga envelopes, putsa, tumigas ang puso ko dahil sa mga sulat na hindi nakarating dahil sa maling address.

"It is a wrong address because of one letter, it is at the other end of our street kaya lang mahaba ang street namin e, nasa boundary kami ng QC at CC, that address, nasa boundary naman ng CC at Navotas. Iba na siguro nakatira diyan kasi dati pinapadala nila sa amin ang mga maling deliveries."

"I have this theory Ninong, I was thinking, niligawan ni Daddy ang girlfriend mo di po ba, si Mommy ba yun?"

"Ha?" this time I laughed so hard people started looking at us.

"Kasi po si Mommy, she is always quiet pag nagkukuwento si Daddy about you e." E sa natatawa talaga ako kaya hindi ako nakasagot sa kanya. "Mom says I'm so importunate" naging defensive bigla ang boses ng bata ng makita niyang sige pa rin ang tawa ko.

"Ha? what's that?"

"Makulit daw po sa tagalog"

"Hi. Nagkilala na pala kayong mag-Ninong." It was one of the most awkward moment I've ever experienced when I finally got to face her again.

"Oo nga e" hindi ko alam kung kakamayan ko siya o hahalikan like we used to do noong magkakaibigan pa kami during our college days. Siguro ganun din ang nararamdaman niya.

"I told him about my theory and he started laughing" nilingon ko si Francis, iiyak na ata.

"Sorry Francis. It wasn't your Mom pero your Mom knew my EX na niligawan ni Daddy mo. I was actually the one who got them together."

"I told you" sabat ng Mommy niya. "Kumain ka na?"

"Busog pa e" sagot ko, forcing a smile.

"Kami kakain. Samahan mo ako Apo" sabi ni Mama.

"Pwede kang pumasok, gusto mo?" si Toni ulit.

"Ako lang. Pwede ba yun?"

"Kris, hindi namin alam kung malulusutan ito ni Aris, sabi ng Doctor, they need to operate, swollen pa rin yung brain kahit nilagyan na ng tubo, sugal na lang daw kasi with or without the operation, delikado na rin siya." sabi ni Papa.

"Kris, my husband, he is still carrying that guilt"

"Ha?"

"Stop that non-sense Toni." nagulat ako sa tono ng boses ni Papa.

"Pa, I am not here to fight with him, hindi naman ako mananalo, tanggap ko na yun, gusto ko lang maging masaya yung pag-alis ng asawa ko kung aalis na siya. "

"Nakaraan na yun Toni"

"Then be friends with him again please." and it dawned on me, this woman who made my life miserable did not steal my first love just to  spite me. Mahal niya talaga si Aris, I felt that kinship now. "Nakita ka daw niya sa Seafood City, sure daw siya ikaw yun kasi kasama mo yung sis mo from UP.  Lungkot na lungkot siya ng makita ka niyang tumakbo palabas ng grocery, sabi niya, masyado ka daw niyang nasaktan kaya hanggang ngayon iniiwasan mo siya. Yung uwi namin dito to see his Grandma, alam ko excuse lang niya yun, alam ko ikaw ang gusto niyang puntahan."

"Ha? Hindi ko siya nakita Toni, totoo yun."

"Then pwede naman siguro nating i-send off si Aris na happy, Kris. Please?" we could have been friends and I could have been happy kung mas naging understanding lang sana ako noon.

"Bakit naman give-up ka na agad? Mabubuhay si Aris, nagpapansin lang yun sa atin"

"Nakuha niya ba ang atensyon mo Kris?"

"Masyado mo naman akong binibigyan ng importansya. Ikaw pa rin siyempre ang mahalaga, ikaw naman ang pinakasalan e"

"Pero ikaw naman lagi ang nasa isip niya. Nakausap mo naman yung panganay namin, di ba?"

"Hindi lang kasi maayos ang paghihiwalay kaya siguro ganun."

"Kris" si Papa "naalala mo ba noon sabi ko ayos lang sa akin yung kayo ni Aris kasi binago mo yung anak ko. Nagkaroon ng sigla yung buhay niya, binigyan mo siya ng pag-asa. Baka kung marinig ka niya, baka lang Kris."

"Kris, hindi ko sinasabing mabubuhay ang asawa ko pag pumasok ka sa kwarto, gusto ko lang malaman niyang hindi ka na galit sa kanya. Siguro naman, mababawasan na yung excess baggage niyang dinadala. Sige na Kris. Please. "


(tiyaga na lang po uli sa part 6.2)

























20 comments:

  1. Wohoooo can't wait for it!!! Thanks for the teaser kuya Gaston ^^

    ReplyDelete
  2. I expected 6.2 as a new year gift but the date was only changed. :(

    I don't want this year to end without knowing what happened. It sounds selfish but I'm really looking forward.

    Na-attached na yata ako sa stories mo. Ramdam ko rin ang sakit nung malaman ko na naghiwalay kayo. Same with your other stories. I'm not really into fictions thay's why I'm amazed that you got the courage to blog your life.

    More power and I hope the continuation will be as soon as possible. Thank you!

    ReplyDelete
  3. Awww kuya gaston :( nakakaiyak ung storya mo tagos sa.puso

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahhh.. this is heart breaking :(. I'm not sure what will happen pero I sincerely wish na sana maging okay ang lahat.

      Delete
  5. Hi Kris, na engganyo ulet ako basahin from part 1 to 5. Kaso parang wala yung part 6.0? Tumalon ata 6.1 na kagad? Weird.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala naman akong napapansing weird. Tama lang yung pagkakastart ng story.

      Delete
    2. Yeah, tama lang to. Not sure sa 5 though. Huling part ng 5 ay yung imbistasyon sa kasal. Yung sa kasal ata wala. Mukhang umattend ata si Kris dun tapos may nangyari.

      Delete
    3. Ah gets ko. You mean eh yung kwento sa kanya ng inaanak niya na nag-iyak daw sila ng iyak sa kasal? Napaisip din ako bigla, now that you've mentioned it.XD

      Delete
  6. parang ang buhay mo ay buhay ko na rin. mula umpisa ng blog mo nabasa ko na. nung una libog lang ang hanap ko pero habang tumatagal at habang dumadami ang nalalaman ko sayo, nagiging ikaw at ako o nagreflect na ang buhay mo sa buhay ko. i cried, laughed and enjoyed all.. my heart ached.. everything will be okay.

    -macky

    ReplyDelete
  7. Nice. wala me masabi as of now

    ReplyDelete
  8. kuletako wechat id koTue Feb 24, 02:04:00 PM

    GASTON !!!!! alam ko nararamdaman mo... mejo iba lero yung thought of loosing someone pareho... partner ko kasi naaksidente at comatose sya ngaun... ang hirap hirap...

    ReplyDelete
  9. Sir Francis... Pinaiyak mo ako. Para akong tanga ngayon na umiiyak habang nagbabasa..ukinana. anyways, kumusta ngarud ni Aris'en?

    - juan

    ReplyDelete
  10. Kuya Gaston kelan po release lang 6.2? Can't wait!!!!

    ReplyDelete
  11. IM CHINITO MAY DIMPLES MAPUTI NICE EYES LIPS TEETH 5 9 135 09204089906 FOR SER REL/SOP/SEB NO LNDLINE NO REPLY

    GALING NG TAPING FOR SERIOUS RELATION/SOP/SEB SEND UR LNDLINE 09204089906 NO LANDLINE NO REPLY

    NEED KAUSAP SA LANDLINE AT YUNG MAGBIBIGAY NG LANDLINE 09204089906 FOR SER REL

    ReplyDelete
  12. Nsan na ang Chapter 6.2... Di ako maka move on until I read all Chapters.... Thanks

    ReplyDelete
  13. Hello Mr. Gaston. I'm a fan po. When will you upload the next chapter of this story? (I've read all postings about you not uploading due to your personal reasons huehuehue) hoping to hear (read) from you soon.

    -Journo1705

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pasensiya na ha, wala kasing time altho meron na naka-ready, naka-outline form pa lang. Grabe lang talaga ang work load ngayon.

      Delete
  14. wish the next chapter comes soonest possible.

    ReplyDelete