Sunday, November 16, 2014

Hi Sean



Hi Sean,

First of all, thanks for dropping by. And more thanks for sharing your thoughts. You know, my foremost reason for blogging my stories is to find  "comrades-in-arms", people who are in the same situation like me.


Friday, November 14, 2014

To Sir, With Love - part 2


April 1987

Sobrang pagod siguro kaya siya nakatulog sa sofa. Tinapik ko ang kanyang braso pero hindi siya nagising.  Napadako ang aking mata sa kanyang harapan, nanunukso ang kanyang umbok. Lumakad ako palayo sa kanya.


Flashback - July 1986

From the top 1 2 3 - May pumukol sa pipit -

"Kulang sa emosyon - dahil sa sakit, tinamaan nga ng bato di ba?" sino yun, bakit lalaki na ata ang choir master.

"O ulitin natin 1 2 3 - dahil" kinakabahan kong tinignan kung kanino nagmula ang pamilyar na boses na yun.  Music is my sanctuary, specially singing. When all else fails, I sing to my heart's delight in this room tapos mukhang mapupurdoy pa ata dahil ang taong pinakaiiwas-iwasan ko sa aming paaralan ay siya na yatang choir master ngayon.

"Pasok na" si Bernie. "Kumusta ka na, sorry ha di kita nadalaw, di ko alam na nagkasakit ka e."

To Sir, WITH LOVE - part 1


Una kong nakita si Mr. Danny R nung second year high school ako.  Tuwing Monday ay flag ceremony day, at tuwing Monday, isa ako sa mga estudyanteng nagpapalusot para hindi umattend ng naturang ceremony.

"Bayang Magiliw, handa awit" aba bagong boses.  Sumilip ako sa bintana para tignan kung sino ang nangunguna sa flag ceremony, lalaki, masyadong malayo pero bagong boses, di ko kilala.

Bago pumasok sa Music, nagpunta muna ako sa CR.  Kasalukuyan akong jumijingle ng pumasok ang isang lalake.  Dahil public school ang aking pinapasukan, sigurado, may problema ang CR.  Nakatuntong ako sa isang mababang ledge habang umiihi pero ang lalaking kapapasok ay walang ledge na matutungtungan - basag kasi ang ibabaw at hindi pwedeng tapakan.  Kaya ibig sabihin, mabobosohan ko siya ng libre.  No choice, pag bumaba ako ng ledge, haharap ako pakanan at makikita ko talaga ang titi niya.

Wednesday, November 5, 2014

Si Manong Eddie at Manang Susing (a crazy gay love story)


Pumasok sa kamalayan ko si Manong Eddie nung ako ay twelve years old pa lamang.  Second cousin ko siya on my mother side at nakatira siya sa isang baryo sa Vigan.  Gwapo (kamukha niya ng aming distant relative na artista nung 50s na si Robert Campos, asawa ni Luz Valdez na madalas gumanap na Lola sa mga teleserye ngayon), may dalawang anak at isang biyudo.  Matapos ang ilang failed relationship nagulat ako ng mabalitaan kong may kinakasama itong isang cross-dresser, si Manang Susing, isang manikurista sa isang parlor malapit sa dating Cindy's sa Vigan, sa gilid ng istasyon ng dating Times Transit na Dominion na ata ang pangalan ngayon.

Hindi ako masyadong malapit kay Manong Eddie, siguro dahil sa umiiwas talaga ako sa anumang bagay na may kinalaman sa usaping bakla.  By that time kasi alam ko ng isa akong bakla pero dahil trying hard ako to win back my father, I became homophobic.