Saturday, October 25, 2014

One True Love - 1


I am putting this up so some of you who were looking for part 1, 2 and 3 will have an easier time looking for it.

Late enrollee ako sa unibersidad na pinasukan ko.   AgriChem sana ang unang kurso ko pero ayaw ng Tatay.  Di raw yun bubuhay ng pamilya.

Naghanap ako ng unibersidad na tatanggap sa akin.  Halos dalawang linggo ng nagsimula ang klase kaya wala ng nag-entertain sa akin.  Sumubok akong pumunta sa mga iskwela sa Lawton pero lahat tapos na ang enrollment.  Malungkot akong naupo sa lobby ng huling iskwelahang pinuntahan ko.

"Naiwan mo ba ang ID mo?  Di ka pinapasok ng sekyu?" Tumingala ako.  "Aris" pagpapakilala niya.

"Ako ba?"  tanong ko.  "Di naman ako tiga-rito. Late na, ayaw na, kong tanggapin".

"Ganun ba?  Lika, sama ka sa akin"

Pumunta kami sa registrar. Pumasok siya sa loob at may kinausap. Ilang sandali lang ang nakalipas, lumabas siya, may dalang registration form.



Sa taas ng walls kung saan kami madalas nakatambay ni Aris
"Fill this up, kaso sa AB ka na lang pwede.  Tapos na ang entrance ng Engineering."

AB?  Umayaw nga ako sa Diliman dahil ayoko ng AB non quota course, sa AB din pala ako babagsak. No choice, kesa di ako maka-enrol.

"Ang lakas mo a"

"Dito kasi ako nag-graduate ng HS.  How do I call you?"

"Kris na lang"

Sa madaling salita, naging magkaklase kami ni Aris.  Pagpasok ko nakita ko si Nette.  My HS sweetheart. Civil naman kami sa isa't isa tsaka me utak naman ako kahit konti kaya dikit din siya sa akin.

Di nagtagal, nagsimulang makatanggap si Nette ng regalo mula sa isang secret admirer.  Walang makahula kung sino.  Hanggang minsan nakita ko si Aris sa SM at yung binili niya ay nakita kong hawak ni Nette.

"Ikaw pala ang secret admirer" tukso ko sa kanya.

"Secret muna natin ha."

"OK, pero sana wag na siya.  Masasaktan ka lang"

"Bakit naman?"

"Ex ko si Nette. Bilmoko yun, pag nakuha na niya gusto niya, iiwan ka rin nun."

Pero na-bull's eye siguro ni Kupido ang puso ni Aris kaya patuloy ang pagapadala nito ng regalo kay Nette.  Isang araw, me binigay siya sa aking sulat.

"Paki mo naman ke Nette?"

"Love letter?"  "Oo"

"Sigurado ka?"  Tango si Aris.  "Ayoko. Wag na si Nette"

"Me gusto ka pa rin yata ke Nette e."

To cut the story short, I gave the letter to Nette.

"Ang kapal ng kaibigan mo ha" Nette said after reading the letter.

"Kung ayaw mo, politely turn him down" pakiusap ko.

"Ano yan Nette" tanong ng isa niyang barkada.

"Love letter from my secret admirer. Si Aris"

"Dreamer ha" laughter from her friend.

"Nette" pandidilat ko sa kanya.

"Bakit mo pa kasi binigay sa akin?" Nilayasan ako ni Nette at dumiretso sa kinauupuan ni Aris.

"Sorry pero wala akong balak makipag-utuan sa iyo"

Hinila ko si Nette palayo.  "Ano ka ba?"

Nilingon ko si Aris. Wala na ito sa upuan niya.

Hindi naman sana mahirap mahalin si Aris.  Gwapo, mabait, matalino, mapera.  Yun nga lang putol ang isang paa niya.  Ang intindi ko, me cancer ang buto niya kaya kinailangang putulin ang kanyang paa mula sa itaas ng kanyang tuhod pababa.

Wala pa rin si Aris sa sumunod naming subject. Hinanap ko siya pero mukhang wala na siya sa loob ng campus.  Monday, nakita ko si Aris. Kinumusta ko siya.  Alam ko yung feelings ng napahiya sa loob ng klase.  Madalas mangyari sa akin yun nung HS.

"Sanay na ko"

"Masokista ka pala"

"E pano ko makakakita ng partner kung di ko susubukan. Try and try dapat di ba? "

"Ayos ka Tsong ah"

Pagdating ng second sem, nagkahiwalay kami ni Aris.  Night session na ako. Working student.  Di talaga kaya ni Tatay na tustusan ang pag-aaral ko kaya kelangan kong magtrabaho.

Third year ako ng muling nagsalubong ang landas namin ni Aris.  Late akong dumating sa klase dahil sa Makati pa ako galing. Inabutan kong nagdedebate si Aris at ang aming Professor.

"Am not sure am reading you correctly"

"Well, I said Sir that the US bases should not be closed because that would mean displacing a lot of people working around the bases.  The barmen, the prostitutes-"

"You worry about the prostitutes when we are talking about national interest?" the Professor cutting in.

Laughter but Aris had a point there. Pagkatapos ng klase ay nagkwentuhan kami ni Aris. Dahil magkaklase kami sa lahat ng minor subject ko at ilang major subjects na common sa kurso namin, nagkalapit ang loob naming dalawa.  Kung me project, kami na ang nagpapartner - he'll do most of the research, I'll do the typing and photocopying sa opis.

Isang gabi, wala ang aming instructor.  Dahil putol nga ang isa niyang paa, hindi pwedeng mag-commute si Aris kaya kailangang hintayin niya ang kotseng susundo sa kanya. Nakiusap siya kung pwede ko siyang samahan habang siya ay naghihintay.

Naupo kami sa labas ng aming campus.

"Kelan kaya ako makakapanhik diyan sa taas" sabay turo sa walls ng Intramuros.

"Di ka pa nakapunta diyan?  Halika punta tayo?"

"OK lang sa iyo mag-akay?"

"OA" sagot ko.

Umupo kami sa tabi ng isang kanyon at tumingin sa paligid.

"Sarap mag-date dito a" sabi ko dahil ang dami talagang nagdedate sa Intramuros lalo pag umabot ang gabi.

"Dami sigurong necking and petting dito nong unang panahon"

"Mga manang pa tao dito nong unang panahon, imposible ata yon" sagot ko.

"You're thinking native Adre" sabi ni Aris.  "Remember, inside these walls were Spaniards, Europeans di ba?  Open minded sila sa sex ever since.  Tsaka chick boy nga si Rizal, e ancient times pa yon" biro pa ni Aris. "Kelan kaya ako magkakasyota?"

"Ilang beses ka na bang nabokya mula nung ke Nette?" tanong ko kay Aris.

"Ilan?  Hahaha, dalawang beses pa kong napagtawanan.  It comes in 3s di ba, si Nette tsaka itong dalawang huli.  Good karma na kasunod.  Magkakasyota na ko, kung kailan na lang ang hihintayin ko"

"Matibay ka rin. Kasi ako, iiyak ako pag nagkataon"

"Hahahaha, habang buhay, may pag-asa."

"Dapat pinipilahan na ko ng mga yan kung normal lang ako" habang dumaraan sa harap namin ang ilang bading.  "Malaki naman ang kargada ko, kung di lang putol ang paa ko, sigurado kanina pa naglalaway ang mga yan sa akin"

Pinagmasdan ko si Aris.  Inimagine ko, ano kaya itsura niya kung hubad ang pantalon niya. Weird siguro kung ang ka-sex mo putol ang paa. Nangiti ako.

"Totoo naman Adre di ba? Kung di lang sana putol ang paa ko, ang daming magkakandarapa sa akin."

"Gutom lang yan, lika kain tayo"

"Magkano kaya ibabayad ko para tsupain ako ng mga ugok na yan.  Putsa baliktad ano, ako pa magbabayad."

"Tsupa ba pinakamahalaga sa buhay mo? Pag nag-asawa ka, matsutsupa ka din" natatawa na ako dito kay Aris

"Asawa? Hahaha Adre, sulat pa lang pinapadala ko, bokya na ko.  Baka sa bading, me pag-asa ako. Tanong ka nga diyan sa tabi-tabi kung me papayag?"

"Seryoso ka?"

"Gago" nakatawang sagot ni Aris.  Tumayo ito, kinuha ang kanyang saklay at naglakad pababa.  Sinubukan ko siyang alalayan, medyo me katarikan ang parte ng Intramuros na aming pinuntahan.

"Wag mo kong alalayan Adre.  Dapat kayanin ko to, dapat matutunan ko to, hindi habang panahon aasa ako sa akay"

Naglakad pababa si Aris at gaya ng aking inaasahan, gumulong itong pababa.

"Ayos ka lang? Ang kulit mo e"

"Hahahaha Adre, buhay pa.  Praktis lang yan.  Balik tayo uli pag me oras ka Adre, pwede?"

"Sige ba" sagot ko.  "Kahit gabi-gabi tayong pumunta"

"Balik tayo uli sa taas"

"Makulit ka talaga ha"

"Wag kang mag-alala, papaakay na ko sa iyo papanhik.  2 oras pa bago dumating ang sundo ko."

"Me t-shirt kang baon?" tanong ko habang pinapagpag ko ang kanyang likod.

"Baka pagkamalan ka nilang bading Adre ikaw din" pabiro niyang sabi habang inilalabas niya ang kanyang extra shirt.

"Pag ikaw naman ang syota ko, ayos lang"

Isang hapon, hindi ko nakita sa loob ng klase si Aris.  Absent siguro o busy sa extra-curricular activities.  Scholar si Aris, pwedeng mag-graduate with honors kaya ang dami rin niyang mga activities aside fro his studies.

Pauwi na ako ng maisipan kong pumanhik sa Intramuros.  Ewan ko ba, lately laging laman ng utak ko si Aris.  Baka sakali lang. Pagpunta ko sa favorite kanyon namin, andun nga si Aris, nakaupo.

"Aris"  hindi niya ako nilingon, nanatiling nakaharapa ang mukha niya sa building ng Post Office. "Umiiyak ka?"

"Ayos lang ako Adre."

"Bakit andito ka? Sinong nagdala sa yo dito?" hinahanap ko ang kanyang saklay, pero wala ito sa paligid.

"Adre, wag mo kong pagtawanan ha. Wag mo ring sabihing tanga ako. Kinuha nila yung saklay ko"

"Nila? Sinong nila?" namumula ang mukha ko sa inis - hindi ko alam kung sa kanya o dun sa kumuha ng saklay niya.

"Kala ko kasi ok na kami nung ex mo"

"Si Nette?" taas na ang boses ko, ngayon alam ko na sa kanya na ko naiinis.  Engot din, sabi ko sa sarili ko.  Masokista talaga.

"Classmate ko siya pag hapon.  Niligawan ko, kala ko, ayos na"

"Tapos?" nag-iinit na ko. Gusto kong hanapin si Nette at pag-untugin ang ulo nilang dalawa.

"Niyaya ko siyang mag-date dito ngayon" nahihiyang sabi ni Aris.  "Pumayag naman, yun nga lang me kondisyon.  Pumayag ako kahit alam kong impossible yung gusto niyang mangyari"

"Pagdating namin dito, inupo niya ko, tapos kinuha niya ang saklay ko" hindi na makatingin sa akin si Aris.  "Yun ang kondisyon e.  Kung mapupuntahan ko daw siya ng wala akong saklay, sasagutin daw niya ako" Pinagmamasdan ko si Aris.  Hindi ko alam kung babatukan ko siya o maawa ako sa kanya.

"Gago" galit kong sabi sa kanya.  "Gagawin mong tanga sarili mo dahil sa babaeng yun?  Matalino ka Aris, me darating din sa yo, bakit di ka makapaghintay?"

Hindi kumibo si Aris.

"Hintayin mo ko dito"

Pumunta ko sa Jollibee, at gaya ng inaasahan ko, andun nga si Nette.  Kinuha ko ang saklay sa kanya.  "Gago" yun lang ang sinabi ko kay Nette.

"O baka kung ano ginawa mo ke Nette, kawawa naman yung tao"

"Tangna Aris, stop, please.  Nonsense na yan, kakandidato ka bang santo?" gusto ko ng dagukan tong si Aris.

Bumungtong hininga si Aris "Kris, di ka kasi ako.  Papatayin ko ba ang pag-asa dahil wala na akong paa?"

"Not at the expense of making yourself stupid" galit kong sagot.  Di ko alam kung bakit ako nagagalit, pero nabwusit talaga ako kay Aris ng gabing yun.  Awa ba yun?

"I will make myself stupid kung kailangan.  Sabi ko nga sa iyo, magbabayad ako ng tsutsupa sa akin.  Gusto ko ring maging normal"

"Normal?  Hindi lahat ng lalaki nagpapatsupa."

Tumayo si Aris, humakbang palayo sa akin.

"Ano gagawin mo, lalakad ka tapos gugulong ka ulit pababa?" irita kong sabi.

"O sige gawin mo ko lalong inutil" galit niyang sabi sabay upo sa damuhan "sige kargahin mo ko"

Tumingin ako kay Aris, umiiyak na ito.

Putya bakit ba kumakabog ang dibdib ko?  Ano naman kasi sa akin mabokya man siya at paglaruan ng lahat ng babae sa aming campus. Why do I care?  Should I even care?  Tinignan ko uli si Aris.

"Pasensya ka na" sabi ko sa kanya.  Masyado atang mabilis ang tibok ng puso ko, ano ba tong nangyayari sa akin?  "Nainis lang ako, sana maintindihan mo, kaibigan kita, syempre, ayokong ginaganun ang kaibigan ko" Awa. awa lang to.  Binobola ko ba sarili ko?

Ang tagal ko ng kakilala si Aris.  Tinignan ko siya.  Anak ng putek - inlab o awa?  Araw-araw ko siyang nakikita, araw-araw kaming magkasama pero bakit parang ngayon ko, bakit iba ang nararamdaman ko.










6 comments:

  1. Sana magkaroon na ito ng kasunod

    Yuan

    ReplyDelete
  2. Nbasa ko n pla xa,lahat..tlgang hinanap ko po ung 1,2 at 3.....tnx

    ReplyDelete
    Replies
    1. San mo po nakita pwd po palink? Please salamat

      Delete
    2. hahanapin mo lang sa label yung labiduds lalabas yan

      Delete
  3. Oo nga Gaston, matagal pa po ba yung kasunod nito? Tsaka yung Reunion...sana meron narin hehe

    ReplyDelete
  4. Sir Gaston, I read the chapters 1-4 at isa sa mg nabanggit mo sa comment box was Aris got married at ikaw ang bestman...

    My partner and I are living for 12 years na i was 17 then when he approached me, he was my first at never ako nagkaroon ng ibang relasyon bukod sa kanya.

    Im 29 now at nagsasabi ako sa kanya na I want to have my own children at family. pumayag sya kaso nasasaktan at natatakot ako sa nararamdaman nya.

    12 years is not that easy to let go lalo na mahal na mahal ko sya.

    My family doesnt know anything about me ang alam nila he is just a friend at kasama sa bahay though I think may hinala na sila but it doesnt bother me at all.

    Sorry sobrang haba ng intro but my question is what should I do?

    thanks in advance and if possible I want to talk to you maybe through phone or personal kasi wala ako mapag kwentuhan/sharean ng ganito kasi all of my friends are straight. Thanks ulit. God bless you!

    ReplyDelete