Friday, October 31, 2014

Ang Lalaki sa Dilim from akosiaris.blogspot.com (do visit the blog, you won't be sorry)

Ang Lalaki Sa Dilim from akosiaris.blogspot.com (do visit the blog, you won't be sorry)

Nakatayo ako sa likod ng sinehan. At dahil last full show, konti lang ang tao. Ang karamihan ay hindi nanonood kundi naghahanap. Isa na ako roon.

May tumabi sa akin. Inaninag ko siya sa dilim. Napansin ko ang kakaibang luminosity ng kanyang mukha.

Pinagmasdan ko ang kanyang kabuuan. Matangkad siya at payat. Naka-jacket na itim.

Nang muli akong tumingin sa kanyang mukha, ako ay hinigop ng kakaibang ningning sa kanyang mga mata.

Nginitian niya ako. Natigagal ako habang nakatingin sa kanyang mga labi na luscious at napakapula.

Hinawakan niya ang aking mukha at ako ay kanyang hinagkan. Natikman ko ang kakaibang tamis ng kanyang mga labi. Napapikit ako. Nakaramdam ng unti-unting pagkalasing.

Niyakap niya ako. Nalanghap ko ang kakaiba niyang bango na lumango sa akin.

Hinalikan niya ako sa leeg. Nanghina ako sa kakaibang kiliti na ipinadama niya sa akin.

Nag-umigting ang aking pagnanasa at ako ay nagpaubaya.

Subalit kung gaano kabilis na ako ay kanyang sinunggaban, ganoon din kabilis na ako ay kanyang binitiwan. Nagulat ako at nagtaka. Napatingin ako sa kanyang mga mata.

Naroroon ang kakaiba niyang titig na tila tumatagos sa akin.

“Sa parking lot sa basement, hihintayin kita,” ang sabi niya. May kakaibang modulation at lamyos ang kanyang tinig na tila humagod sa akin.

Muli kong pinagmasdan ang kanyang kabuuan. Napakakisig niya na halos hindi kapani-paniwala. Kakaiba ang kanyang pang-akit na para siyang isang pangitain.

“Ano ang pangalan mo?” ang tanong ko.

“Lester,” ang sagot niya bago tumalikod at umalis.

Naiwan ako na parang namalikmata hanggang sa siya ay maglaho sa aking paningin.

(Pls click this to finish story) Ipinagpasiya kong sundan siya 




No comments:

Post a Comment