Sunday, June 15, 2014

Dance with my Father again

"Happy father's day Tay, I hope you are happy wherever you are."

"Back when I was a child, before life would remove all the innocence, my father would lift me high, then up the stair he would carry me and I knew for sure, I was love"


40 years old na ang aking mga magulang ng sila ay magpakasal.  Byuda si Nanay at me isang anak na babae ng pakasalan ni Tatay.  Palibhasa matanda na ng mag-asawa, hindi na umasa ang Tatay na magkakaanak pa.  Pero laking tuwa ng Tatay ng malaman niyang buntis si Nanay. Barumbado, basagulero, tomador, gun-runner, sugarol - these are the words that were used to describe my Tatay pero lahat yan ay nawala ng ipanganak ako.  Sabi nila parang piyesta daw -  for the last time, nagpainom ang Tatay tapos inilibot at ipinagyabang ang kanyang Junior sa buong barangay, then he became a changed man

Lima kaming magkakapatid - lalaki ang kasunod ko tapos ay tatlong babae.  Ganun pa man, kami pa din ng Tatay ang buddy.  Kahit ano gawin ng mga kapatid ko, hindi sila makasingit sa akin kay Tatay - pagtulog, pagkain, at kung darating si Tatay galing sa trabaho, kailangan ako ang unang magmamano, unang kakargahin at kung me pasalubong, dapat sa akin muna iaabot kundi ay siguradong aatungal ako ng walang katapusan.  Tsaka kung ginabi ang Tatay, uupo ako sa aming hagdan para antayin ang kanyang pagdating.  Madalas akong pagalitan ng Nanay noon, pipilitin niya akong matulog pero hindi ako papayag, kailangang abangan ko si Tatay.  Pero madalas ay natutulugan ko ang paghihintay kaya sermon ako kay Nanay kinabukasan, pagod na daw si Tatay ay kailangan pa akong kargahin papunta sa aking kama.

Ang dami naming happy memories ni Tatay - pasyal sa Zoo, sa Luneta, tuwang-tuwa nga ako pag isinasakay niya ko sa kalabaw o kaya yung manonood kami ng parada tuwing independence day, sabit  sa trabaho at kahit sa murang edad, kasama na ko ni Tatay sa sabungan.  Pero da-best yung reading time - mahilig si Tatay magbasa, pag nakita ko na siyang nakaupo sa kanyang rocking chair, uupo na ko sa kanyang kandungan at makikibasa. 

"Never dreamed that he would be gone from me"

Hindi ko alam kung kelan o bakit lumayo ang loob ni Tatay sa akin.  Pero sa murang edad, alam kong may nagbago sa amin ni Tatay.  Hindi na niya ko kinakarga, katwiran ni Nanay malaki na at mabigat na daw ako pero sabi ko bakit  ang kapatid kong lalaki, kinakarga pa e mas mabigat naman yun sa akin.  Kung ginabi siya at nakatulugan ko ang paghihintay sa kanya ay di na niya ko dinadala sa aking kama kaya kalaunan hindi na rin ako nag-aabang kahit napapaaga pa siya ng uwi.  Hindi na rin ko nakikipag-agawan sa pagmano o sa pagtatanong kung me pasalubong ba ako.  At tinigilan ko na rin ang pag-iyak ng wala sa lugar, kasi sasabihan niyang para akong bakla na kay hilig umiyak.  Ayokong-ayoko na sinasabihan akong parang bakla nung bata ako, kasi noon, bakla equals momo.  Di naman ako momo ano.

Limang na taon ako ng malaman kong aalis ang Tatay papuntang Middle East.  Isa siya sa mga unang OFW na nakipagsapalaran sa Saudi upang masigurong kami ay magkakaroon ng magandang bukas.  

Isang linggo bago umalis ang Tatay ay nasugatan ang aking kapatid na lalaki. Naghahabulan kami sa isang bakanteng lote malapit sa aming compound ng di sinasadyang matisod ko siya dahilan para madapa kaming dalawa.  "Lalampa-lampa ka kasi" galit na sabi ni Tatay, iiyak na sana ako ng biglang nagwala ang aking ama, me nadapaan palang bukas na lata ang kapatid ko.

Masaya pa kami ng aking kapatid ng makita ko siya pagkagaling niya sa ospital.

"Dami dugo Manong, pero sandali lang ako iyak" pagmamalaki niya sa akin.

"Tapang mo naman, kiss nga si Manong"

Kahit naramdaman kong malamig sa akin si Tatay ay hindi naman niya ako sinaktan kaya ganun na lang ang gulat ko ng dumating siya at bigla niya akong sininturon. Sa sobrang gulat ko nga ay di ko nagawang umiyak kahit nasaktan ako sa palo ni Tatay. Tahimik lang akong pumunta sa aking kama at maghapong nahiga doon. Nang araw na umalis ang Tatay ay walang nakapilit sa aking sumamang maghatid sa airport.  Nawala man ang latay ng sinturon sa aking katawan nag-iwan naman ito ng pilat sa aking isipan.

"If I could steal one final  glance, one final step, one final dance with him"

Walong taon na ko ng magbakasyon si Tatay.  Dedma lang ang drama ko pero deep inside happiness all over ako.  Tatay ko naman yun tsaka honor student ako nanalo pa ko ng best in declamation sa buong distrito namin, ang dami kong winning moments na ipakikita kay Tatay.  Pero di ako sumama sumundo sa airport, me kaba pa rin tsaka baka dedmahin ako in public viewing, kakahiya naman sa madlang pipol.

Wala sila Tatay ng dumating ako sa bahay.  Naabutan ko ang kapatid ko na naglalaro ng toy car.  E kung me isang laruan na hilig ko talaga, yan e yung mga toy cars na may remote control.  Takbo ako sa kwarto namin - on top of my bed were the generic pasalubongs - t-shirt, chocolates, sapatos but no car.

"Di ka naman kasi sumulat" sabi ni Tatay sa akin ng abutan niya akong naglalaro ng kotse-kotsehan ng kapatid ko.  REal men don't cry, real men don't show emotions yun ang madalas na naririnig ko sa aking paligid - kaya dedma lang, tsaka by that time, natutunan ko ng di magpakita ng emosyon, kasi pansin ko lang, natutuwa sila pag napipikon ako.

Minsan dumalaw ang mas batang kapatid ni Tatay.  Sabi niya napipikon na daw siya sa anak niyang binabae.  Ang hilig daw sa manika tsaka maglagay ng kolorete sa mukha. Narinig ko sabi ni Tatay bubugbugin ko tong anak ko pag nagkataon.  Hindi ko naman maintindihan kung bakit ako bubugbugin tsaka di ko naman hilig ang manika - nung bata ako, mahilig ako sa basketball, trumpo, saranggola, nakikipagboksing pa ko e - pero ewan ko, kahit ano pa gawin ko parang kulang lagi sa mata ni Tatay.  Naisip ko, galit pa siguro dahil nasugatan ko ang kapatid ko..

E bata pa ko nun, care ko ba kung malamig si Tatay sa akin.  E di make my own happiness naman ako.  Kung minsan makikita ko si Tatay na nagpapahinga, kung wala si brother ay pasimple akong hihiga sa tabi niya.  Di naman niya ko papaalisin, hahayaan lang niya ako hanggang makatulog ako.  Minsan magigising akong nakaakap siya sa akin at minsan, kung nagisnan kong tulog siya, di na ako gagalaw, minsan nga pinipigalan ko pang huminga hanggang makakaya para hindi siya magising.  (magkakasakit ako dahil sa gaw kong ito) Minsan, makikita ko siyang nagbabasa ng newspaper, gagawin ko uupo ako ng malapit sa kanya tapos ay lalakasan ko ang aking pagbabasa, papansin effect ba.  Ewan ko kung nakikinig siya, na-perfect na yata ni Tatay yung 'parang dedma ka lang' na itsura pero kilig moment na sa aking ang mga ganitong pagkakataon.

Nung bumalik si Tatay sa Saudi, hindi pa rin ako sumulat sa kanya.  E kung maging open sa pandededma?  Pero nung nag-dose na ako, pinadalhan niya ko ng libro - To Kill a MockingBird and East of Eden - nakita niya kasi na ang hilig-hilig kong magbasa ng pocketbooks.  Hindi ko maintindihan bakit nanlamig si Tatay sa akin, pero ng mabasa ko ang To Kill a Mockingbird, naisip ko kung nabasa ba ni Tatay ang libro.  Sabi kasi ng libro, it is a sin to kill mockingbirds because they are harmless creatures, just like innocent people, just like kids.  Just like me.

"Cause I'd love, love, love to dance with my father again"

Nung HS ako, malikot ako sa chicks.  Tsumutsupa na rin ako ng mga kaklase ko pero mahilig din ako sa babae.  Ewan ko kung bakit, sabi nga nung isang natsupa ko nung HS, di daw sila sasabay sa akin kung hinahatid ko pauwi ang GF ko kasi ayaw daw nilang tamaan ng kulog at kidlat. Nung 4th year ako, habang kabilaan ang tsinutsupa kong mga kaklase ay nakabuntis ako ng isang distant relative na nagbakasyon galing sa ibang bansa.  Older ang babae and into her third month of pregnancy, she underwent an abortion.  Of course that made me a legend but it did not please my father.

Graduating ako ng HS ng magdesisyon si Tatay na pumirmis na sa Pilipinas.  Tuwa na may halong kaba ang naramdaman ko.  Kasi ngayon alam ko na kung bakit aloof si Tatay sa akin.   Ang lakas ng radar ng Tatay, at an early age, naamoy na niyang bakla ang Junior niya.

Nag-ipon ako ng sangkaterbang pogi points paghahanda sa pagdating niya. Top ten, highest NCEE score sa lahi namin, pasado sa UPLB, nanalo sa division level ng public speaking etc.  Syempre, di naman pwedeng sad story lang ang episode naming dalawa.  Nung grumadweyt ako, kitang-kita ko yung tuwa sa kanyang mata.  Priceless yun para sa akin.  Tapos, we went to meet some of his co-workers from Saudi, todo mayabang siya for me.  Ang tagal na pero happiness to the max kaming dalawa nung araw na yun.

Pero ang bilis natapos ng honeymoon period namin.  Una, ayaw niya ng AgriChem, ang kursong gusto kong kunin sa UPLB.  Wala naman daw kaming sariling lupa, ano daw ang gagawin ko sa kursong yun. Pamimilosopo ko, ganun din naman kung kukuha ako ng Banking and Finance, wala naman kaming bangko.  

Nung patapos na ang first semester, kinausap ako ni Tatay.  Sabi niya, mahina na daw siya kaya hindi niya alam kung kaya niya kaming pag-aralin ng sabay-sabay.  Nalungkot ako ng husto sa sumunod na sinabi niya.  Tumigil na lang daw akong mag-aral tutal, sayang lang daw kasi sigurado na ipanlalaki ko lang ang perang suswelduhin ko. Nagprotesta ako.  Sabi ko di naman ako bakla.  "Sigurado ka?" sabi ni Tatay.  

E nung panahong late 80s me manpower shortage.  Syempre we're supplying the Middle East and America with our human resources, so kahit first year pa lang ako, natanggap akong clerk-typist sa isang bangko sa Makati.  Trabaho-aral ako, ginawa ko yun hindi dahil ko gusto kong makapag-aral kundi dahil gusto kong magpa-impress kay Tatay. Umulan, umaraw, bumaha, maagang papasok, gabing uuwi, lahat kinaya ko.  Pagod na pagod ako, madalas kulang sa tulog, pero pag kaharap ko si Tatay, Superman ang aking drama.  E nung third year na ko, talagang bumigay na katawan ni Tatay, hindi na siya pwedeng magtrabaho kaya ako nagpa-aral sa mga kapatid ko.  Buti na lang iisa ang nasa private at ang iba kong kapatid ay sinuwerteng makapasa sa pampbulikong paaralan.  Kaya ang pagod at puyat ko nadagdagan pa ng gutom.  Tipid to the max kasi ang ginawa ko.  Feeling bayani, naisip ko siguro, pwede na kong pagawaan ng monumento.

Pero hindi ko nakuha ang resultang gusto ko.  Habang nagtatagal, pakiramdam ko lalong lumalayo si Tatay sa akin.  Hindi man nila ako direktang nakikitang kumikilos bakla o nabalitaan man lang na nagkaboyriend, in my 30s and not married, lalong umiinit ang usaping bakla nga ako.  Sabi nga ng bestest of friends ko, come out, time to be happy.  Pero di ko ginawa, nanatili akong nakagapos sa paghihintay ng pagbabalik ng pagmamahal ni Tatay.  In my mind, di baleng bumagsak ako sa pananaw ng iba, wag lang kay Tatay.

"I know am praying for much to much but can you send back this man I love, I know you don't do it usually but dear Lord I'm dying to dance with my father again"

Noong mag-asawa ang mga kapatid kong babae, inakala kong doon titira sila Tatay sa isa sa kanila so I was pleasantly surprised when Tatay told me na wag kong pangaraping tumira sa condong binili ko dahil wala silang kasama ni Nanay sa aming bahay. Huh, user friendly din ang aking ama ha.

Nung nalipat ako sa manufacturing, napadalas ang uwi ko ng hatinggabi.  Head ako ng Logistics Department at dahil nasa export ang kumpanyang pinapasukan ko, lagi akong ginagabi ng uwi. Nung una akong ginabi, naabutan ko si Tatay na nasa labas ng aming gate. Tinanong ko kung bakit gising pa siya.  Di daw siya inaantok.  Kinabukasan at sa mga sumunod na araw ay ganun pa rin kaya tinukso ko siyang di niya ako dapat hinihintay - baka sabihin ng neighborhood tsaka isipin kong he cares. Napikon ata dahil agad niya kong tinalikuran pero ng ginabi na naman ako ng uwi ay nandun na uli siya aming gate. Natigil lang si Tatay ng pag-aabang sa akin ng magkaroon ako ng suking taxi at nasiguro niyang ayos ang driver nito.

Minsan kumain kami nila Tatay at Nanay sa Tagaytay.  At dahil on the way, dumaan muna ako sa aking trabaho sa Cavite. Nang makauwi kami sa bahay, tuwang-tuwa nagkukwento si Tatay na siya daw ay sinaluduhan ng mga gwardya sa aking opisina. Punong-puno ng yabang ang boses ni Tatay habang sinasabi niya sa mga kausap niyang Boss kasi ang Junior niya kaya pati siya ay may saludo.

Wow, close na kami uli ni Tatay.  Sabi ko sa sarili ko, konting panahon pa, ako na naman ang bida sa buhay ni Tatay.

Tandang-tanda ko pa ang date ng mangyari ang kinatatakutan ko.  1998, birthday ko, inatake si Tatay.  Nasa pier ako noon, me inaayos na papasok na kargamento when someone from the office radioed and advise me to call our house.  Chain smoker kasi si Tatay and he was diagnosed with an advance stage of emphysema.  Sabi ng doctor, with his condition, swerte na ang isang taon kay Tatay.

For the first time in my life, I went inside a church and prayed like I never prayed before.  Not now, please not now, I pleaded, not when I and my father are going to dance together again.

"Every night, I fall asleep and this is all I ever dream"

Minsan tinanong ako ni Tatay kung me pera pa ako.  Uuwi kasi sila ng Ilocos upang doon magpahinga.  Sabi ni Doctor fresh air can help Tatay.  Meron pa naman sagot ko.

"Sira na ang bahay sa Ilocos, gayyem, dapat ayusin na natin bago pa ko matepok" nagbibirong sabi ni Tatay. Tumalikod ako kay Tatay, pinipigil ko kasi baka sabihin na naman niya bakla ako pero di ko napigilang umiyak ng tawagin niya akong gayyem (Ilocano for friend).  Back in the olden days, nung ako pa ang apple of his eyes, he calls me gayyem (friend).  Sabi niya, anghel daw ako na padala ng Diyos sa buhay niya kasi kailangan daw niya ng kaibigang magtutuwid ng kanyang landas.

Lumapit si Tatay sa akin, ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Pasensiya na Tay, tumulo e, pinipigil ko pero tumulo pa din e, hindi ko mapigilan talaga e." Hindi siya kumibo, inakap lang niya ko ng mahigpit.  At least, naramdaman kong hindi lang bahay ang gustong kumpunihin ni Tatay.

Pero yung isang taon na taning kay Tatay ay naging dalawa, tapos tatlo tapos apat hanggang naging running joke na naming mag-ama na mahina sa Math ang aming Doctor.  Sabi naman ng aking mga kapatid, binigyan lang kayo Manong ng tamang panahon to heal.  Siguro nga.

Abril 2004, six years after the Doctor told us that my father has only a year to live, I received a text message.  "Call home, Tatay in ICU."

Halos isang linggo din si Tatay sa ICU bago namin siya naiuwi.  Two days after, binalik uli namin siya sa ospital. Pero ayaw na niyang magpa-ICU, sayang daw ang pera.  Sabi ng doctor, swerte na ang two days.  But after a week buhay pa rin si Tatay.

"Nanay mo?"  "Umuwi muna, pahinga sila ni Manang.  Linggo naman"

"Wala ka namang day-off mamaya andito na naman yung mga tao mo"

"Off season Tay, wala masyadong trabaho ngayon"

"Gayyem, musta naman ang lovelife mo?"

"Zero" sabi ko.  Zero naman talaga, sex life meron, pero love life,  wala talaga.  1997 pa nung magbreak kami ng BF ko.

"Masaya ka ba?"  "Empre"  Bakit?"  Bakit ako masaya, e kasi masaya ka" sabi ko sa kanya.

"Ilan ng naging BF mo?" tumingin ako kay Tatay.  "Wag mong sabihing di ka bakla, bata ka pa alam ko na."  "Isa lang" "Mabait ba?" "Nakita mo na siya e, di mo lang alam na siya yung BF ko pero di ba pag nakapasok sa bahay ibig sabihin mabait yun"

"Me hiling lang ako pwede?"  "Sure" pakenkoy kong sagot.  "Pag wala na ko, sana wag kang kekembot, wag kang magdadamit ng babae.  Alam ko makasarili yun pero kung kaya mo pagbigyan mo ako."

"Bahala na si Batman" Nangiti ang Tatay.

"Pasensya ka na Gayyem"  "Saan"  "Sa mga pagkakamali ko"  "Uy, artistahin na ang Tatay ko, nagdadrama ka, di ba action star tsaka comedian ka?"  "Totoo to, talagang I am sorry.  Sana maintindihan mo ako. Yung hindi ko pagkakaintindi sa iyo, sana maintindihan mo"

Ang buhay ng bakla ay totoong puno ng drama - sa simulang eksena, pagtatawanan, tapos bubugbugin, tapos dededmahin.  Sa gitnang eksena - mag-aalaga ng magulang na iniwanan ng paboritong anak tapos me konting bugbugan pa rin, tapos walang katapusang talakathon fused with endless dedma.  Sa ending, hihingi ng sorry ang mga nagtawa, nambugbog at nagdedma.  Pero bakit ba ang daling humingi ng sorry pero ang hirap sabihin sa bakla ang I Love You lalo na ng mga taong dapat ay nagmamahal naman sa kanya talaga.  Tsaka ang sorry ba at ang I Love You ay iisa?

Dalawang oras matapos kaming mag-usap ay namatay si Tatay.

"What the heck, sorry is better than nothing at all Tatay.  Go in peace" I held his hands then stood up and called Nanay.

Originally posted on 2/13/2013










30 comments:

  1. 4.5/5, gaston. job well done. nuff said.

    -walter.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Walter for liking my senti mode,,,

      Delete
    2. is this your life story? medyo masakit yan pero, well, the ending was good enough.

      take care always.

      Delete
    3. Nangarap lang talaga akong marinig ang I Love You mula kay Tatay after all lagi niyang sinasabi sa akin ang mga katagang yan nung bata pa ako.

      Alam kong hindi kinaya ng powers ni Tatay ang pagkakaroon ng anak na bakla. Sabi niya, hindi naman daw siya nagalit nung mapagtanto niyang iba ako natakot lang daw siya na dahil iba ako ay pagtawanan ako. Ang hindi lang niya narealize ng maaga, lalo lang akong naging katawa-tawa sa paningin ng iba dahil sa panlalamig niya sa akin.

      Ang maganda lang sa aming istorya ay mayroon kaming ending na sabi mo nga ay good enough. Tama ka good enough but it could have been greater.

      Delete
  2. Replies
    1. kakagaling ko lang ng Ilocos sur, nagbakasyon.
      c:

      Delete
    2. Wow, inggit. Miss bagnet, miss the longganisa, miss the rice cakes of The Sisters, ang hirap maging Ilokano ang daming namimiss.....

      Delete
  3. Super ganda :)), ang aga ko umiyak


    Yuan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Yuan, thanks, hindi naman intentional ang pagpapaiyak :))

      Delete
  4. ganda ng story mo frend, im not ilocano but pangatok. he he he. kaw din pla author nung about sa security sa lrt. nice one too.

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks for liking my story Robert. Panggalatoks will always be a special part of my life. My father speaks the dialect quite well (well I can understand the angapula) and some of my HS best friends were from Singson....gustong gusto ko yung tupig sa urdaneta

      Delete
  5. wow nice read.. mahirap talaga yung ganun na una ikaw ang favorite tapos biglang magbabago ng dahil lang iba ang sexual preference mo.

    And I'm happy for you na nabigyan ng magandang closure ang relationship nyong mag-ama at least walang regrets and hard feelings. :)

    ReplyDelete
  6. Naiyak ako.. grabeh! ;(

    ReplyDelete
  7. lahat yata ng detalye parehas tau...tatay ko nagpalechon nung binyag ko kasi may junior na sia..hanggang nag abroad...at magkasakit... at mamatay...parehas tau ng sitwasyon...ang pagkakaiba lang nakapag asawa ako at may anak...hanggang namatay tatay ko di ko man lang narinig ang "sorry" or "i love you"...it hurts until now lalo na pag may nababasa akong ganitong kwento..pinipilit ko umiyak pero bato na ata ang puso ko o bakal na hinulma ng panahon ng tatay ko...thanks for reminding him again through ur story...

    ReplyDelete
  8. Yung sorry, yun na yung "i love you" though said differently. He belonged to a generation where fathers rarely said "i love you" to their kids.

    Salamat sa kwento. At sa mga nagdaang mga kwento, panglibog man o tungkol sa pag-ibig. Damang-dama.

    ReplyDelete
  9. I think the reason lumayo yung father mo sayo is because he is blaming the closeness between you two kaya ka naging gay. So, iniisip nya baka kapag lumayo sya sayo eh magbabago ka. Wala lang, naisip ko lang. Pero anyway, you are who you are now because of your life experiences and you will never be the Gaston you are now without those. Mahirap talagang maging iba pero ganun talaga.

    ReplyDelete
  10. Hi. Ilang beses ko na itong nabasa pero my kurot pa rin sa dibdib ko. How much more pa kaya sa iyo. . After all those years na ganoon ang naranasan mo. Buti na lang may closure pero may kirot pa rin di ba? Here's hoping and praying for your peace and happiness...

    ReplyDelete
  11. Ang ganda...di ko naranasang maging close sa tatay ko mula pagkabata...malayo loob ng tatay ko sakin... di ko nakita ang suporta nya sakin bilang ama kung pano ako gagabayan bilang anak na lalaki habang lumalaki...

    ReplyDelete
  12. IM CHINITO MAY DIMPLES MAPUTI NICE EYES LIPS TEETH 5 9 135 09204089906 FOR SER REL/SOP/SEB NO LNDLINE NO REPLY

    GALING NG TAPING FOR SERIOUS RELATION/SOP/SEB TEXT UR LNDLINE 09204089906 NO LANDLINE NO REPLY

    NEED KAUSAP SA LANDLINE AT YUNG MAGTETEXT NG LANDLINE 09204089906 FOR SER REL

    ReplyDelete
  13. if that ur life story, thats mine too. we have so many

    ReplyDelete
  14. I still envy you for having a story with your father.

    I never my dad. End of story.

    Gelo - Pangasinan

    ReplyDelete
  15. Grabe ang bigat sa dibdib. Parang pinupulikat ang pagitan ng leeg at panga ko dahil pinipigilan kong maiyak. Thanks sa story mo.

    ReplyDelete
  16. hindi sya masyadong nakakaiyak,pero the part where you're working hard to feed your family and to be noticed by your father,kasi ang bigat nung parang hindi ka naappriciate ng tao sa paligid mo diba.

    ReplyDelete
  17. Ilokano akmet
    taga pangasinan po pla ako. Perp c kua aris baung tinutukoy mung bf mupo dto?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, thanks for dropping by, yung ruot ko Vigan...

      Yes si Aris, nagmeet sila ni Tatay but ang biggest wish ko lang nameet niya si Vener, by that time mas mature na ko tsaka palagay ko mas maiintidihan na niya

      Delete
  18. I want my father back. This is not the first that I cried like this on your story. Ang sakit lang kasi ng ending. Kung kelan ok na dun naman niya kukunin. Kasing sakit lang ng inagawan ka ng kendi ng taong nagbigay sayo nun. Happy fathers day pala sa tatay ko at sa tatay mo in advance.

    ReplyDelete
  19. Naiyak ako ditto ng sobra.. Na miss ko bigla Tatay ko...Sya naman kc super tanggap nya ako...

    ReplyDelete
  20. sa sususnod wag ka na mag ssulat ng ganyan ha.. tumulo eh, naghalo sluha at uhog, pero congrats, you made what you are supposed to do and for sure hanggang sa kabilang buhay proud sya sayo... salut!

    ReplyDelete
  21. True story po ba ito? Hala, AgChem din ako! Haha. Baka kilala kita. :D

    ReplyDelete