Monday, February 24, 2014

Sa train nagsimula

In fairness, ilang beses ng rin akong nakapanood ng ganitong eksena sa subway ng New York nung unang punta ko dun. Sabi nga ng kaibigan ko, beginner's luck daw. Hatinggabi na nung una akong makapanood ng ganitong live show sa subway. Ewan ko ba naman, magkikita kami ng barkada ko at sa isang hindi ko maintindihang mental black-out, nawala ako looking for Mehan Garden (yung sa Lawton yan for those who do not know) pero ang hinahanap ko talaga, Madison Garden, where the New York Knicks play.

So sa kahahanap ko ng isang lugar na wala sa New York, ginabi kami ng barkada ko at hindi natuloy na manood ng x-rated film sa New York City (hindi pa uso noon ang cyberporn so syempre sabik na sabik sana akong makapanood the gay porno) at eto ang naging kabayaran ng katangahan ko sa New York. 








1 comment: