Wednesday, January 1, 2014

New Year's Eve


"Don't look so sad, it's not so bad you know, it's just another night, that's all it is, "

Malamig na sa labas ng simulan ko ang paglalakad sa Ayala. Iilan na lang tao sa kalsada at may putukan na ring naririnig. Sandali na lang ay 2014. Halos hindi ko namalayan ang pasko. Ngarag sa trabaho na lubos kong ipinagpapasalamat dahil magmumukmok lang ako kung hindi ako naging busy.

"Hindi mo naman kailangang malungkot at mag-isa" nginitian ko ang nagsalita tsaka ako pasalampak na naupo sa bench na  nasa pedestrian entrance ng G3 parking. Nakakapagod maglakad kung nag-iisa.

Hindi ko na kailangang magpunta sa G3 parking lot dahil hindi naman ako nagmamaneho. Dati-rati kasi, sa G3 naka-park ang kotse ko. Malayo kung tutuusin sa opisina naming nasa Herrera pero dahil mahilig akong maglakad sa loob ng mall kung napaaga ako ng uwi ay napagdesisyunan kong magpa-park sa G3 para hindi ako nahihirapang maghanap ng parking pag hapon. Natigil lang yun, almost six months ago, nung ikinasal na ang mahal ko.

Napabuntunghininga ako. Must be the masochist in me - naghahanap ng saya sa mga lugar ng nagbibigay sa akin ng lungkot dahil lagi ko siyang naaalala.

It's just another New Year's Eve, another night like all the rest.  It's just another New Year's Eve, let's make it the best. 

Pinagpatuloy ko ang pagtingin sa aking kapaligiran, pero wala na kong makita. Teary eyed. Dito sa bench na ito ako naghihintay sa paglabas ng kotse galing sa parking. Itinakip ko ang aking mga palad sa aking mukha, trying to hide my sadness. Naramdaman ko ang pagdikit ng katawan ng lalaking nagsalita kanina sa bench na kinauupuan ko. Nilingon ko siya.

"O" kinuha ko ang panyong kanyang iniaabot. Iniangat ko ang aking mukha at ngumiti sa kanya.

"Corny no?" natatawa kong sabi sa kanya.

"Pwede?" tanong niya sa akin nung umakma siyang umupo sa aking tabi. Kumunot ang aking noo.

"Di naman akin to e. Pasensiya na" itinuro ko mata ko "hindi ko mapigilan e"

"Hindi naman kita huhulihin, wala naman batas na nagbabawal sa pag-iyak" muli ko siyang nilingon. Hindi ko napansing naka-uniporme pala siya ng pampulis. Uminat siya sa kanyang kinauupuan, umaangat ang kanyang pang-itaas na suot. Huminga ako ng malalim. Ngumiti siya sa akin ng mahuli niyang nakatuon ang aking paningin sa kanyang pusod. Mabilis kong itinakip ang aking mga palad ang aking mukha. Naramdaman ko ang pagpatong ng kanyang kamay sa aking balikat. Para akong nakukuryente.

"Malapit ng magputukan, dito mo ba balak salubungin ang New Year?"

"Tinutukso mo ata ako" sagot ko sa kanya tsaka ako tumingin sa malayo.

"Pwede naman tayong magpaputok."

"Bawal magpaputok ang mga pulis, di ba sinelyuhan ang baril mo?" humihikbi kong tanong sa kanya. Hinawakan niya ang aking kamay at inakay niya kong pababa sa parking.

And all our plans, who says they can't come true? Tonight's another chance to start again. 

"San tayo?" tanong niya sa akin habang binabagtas namin ang kahabaan ng EDSA. Nagsimulang mag-init ang aking mukha.

"Talaga bang pwede?"

"Wala namang nagbawal sa yo." nanuyo ang aking lalamunan sa kanyang tinuran. Ipinikit ko ang aking mga mata at naglaro sa aking isipan ang kanyang kahubdan. Mangingibabaw kaya sa tunog ng mga paputok ang kanyang mga ungol?

"Hindi yata tama tong gagawin natin" tumigil ang aming sasakyan. Nagsimula na ang manaka-nakang putukan. Hindi siya kumibo bagkus matagal niya kong tinitigan. Bumilis ang tibok ng aking puso.

"Ginusto ko to. Ako nag-aya sa yo." pasigaw niyang sagot niya sa akin after what looked like an eternity of silence. Nanginig ang katawan ko sa tuwa, sa pananabik. Kung magtatabi kami ngayong gabi, yayakapin ko siya ng mahigpit, mahigpit na mahigpit, yung hindi na siya makakawala pa sa aking mga bisig.

"Kinakabahan ako."

"Hindi kita sasaktan. Kahit kailan, hindi pumasok sa utak ko na saktan kita."

Parang kailan lang ang lahat, nung una kaming magkita sa loob ng taxing minamaneho niya, nung una ko siyang dinala sa aking condo, nung una kaming magtabi. Dumating siya sa panahong hindi na ko naniniwalang may pagmamahalan sa pagitan ng dalawang lalaki na pwedeng magtagal. Tinitigan ko siyang maigi. Nakita ko ang pagsusumamo sa kanyang mga mata. Anuman ang gawin kong pag-iwas, alam kong hindi ko siya matatakasan.

Sabi ko noon, yung sa amin ni Vener, parang gaya ng EDSA, magkakaroon din ng trapik ang aming pagsasama, worst, may matatagpuan kaming humps o lubak along the way pero ika nga, kung gusto mong makarating sa iyong pupuntahan, kahit ilang sibat, malalampasan kung willing ka to go for it.

Sige, bahala na si Batman.

"Hindi naman ako nagpalit ng kandado sa condo." sabi ko sa kanya.

Kinuha niya ang aking kamay at ipinatong ito sa harap ng kanyang pantalon tsaka niya pinaharurot ang kotseng aming sinasakyan.






























2 comments:

  1. Awww sweet. You got me at harurot... heheh... namiz ko pagtambay dito... write more this year ha.

    ReplyDelete
  2. Hay ang sweet. Sana magsulat ka rin ng ganito paminsan, breaker sa mga kalibugan kwento

    ReplyDelete