Tuesday, January 7, 2014

The Sandwich Class by Paul Eugenio

Note from blog owner - this is not a sex story but I hope you find time to read and appreciate this article.

I am part of the “sandwich class.” I don’t consider myself poor, even if my mom and others in the sandwich label themselves such. Why should I, anyway?

My family eats three times a day. In other measures, however, while I definitely have a roof over my head, clothes to wear, and a chance to study in the best university in the land, I will pale in comparison to the rich kids and the “middle class” that governments want to spawn. Being in the sandwich means living a life of irony: new clothes (from “the UK”), a smartphone but not a postpaid plan, coffee and doughnuts but not a rice cooker in the kitchen, a LED TV but not a land title, beauty products but not health insurance, a job but not a college diploma.

We are the sandwich class, newly liberated from poverty, our journey about to start. In fact, one mishap such as a typhoon, a family member in the hospital, or even a demolition, and we are bound to return to Misery Road. This vulnerability makes us anxious, constantly worrying about whether we can still enjoy this newfound freedom when we wake up the next day.

Monday, January 6, 2014

Isang Umuulang Araw ng Disyembre, 2013

Ugali ko na yung maglakad mula sa bahay namin papunta sa grocery or mall. A good three kilometers away, walking that distance became my excuse for an exercise.

One Sunday afternoon, I decided to take that walk again. I was so used doing something that the whole Sunday afternoon off from work became boring and made me listless. So I went for a walk with no definite place to go. I just needed some air to clear away my boredom.

Dahil December na, madilim na ang paligid kahit 5pm pa lang at lalo pa itong dumilim dahil sa di inaasahang pag-ulan nung araw na yun. Mabilis akong sumilong sa isang tindahan ng motorsiklo. Dahil maliit lamang ang ang puwedeng silungang ay naghanap ako ng puwestong hindi ako mababasa, umurong akong umurong hanggang sa marating ko ang employee's gate ng nasabing tindahan.

Nakaawang ang gate, sumilip ako, walang tao. Expected, Linggo yun, di nagbubukas ang tindahan kung Linggo. Lumakas ang ulan, napilitan akong pumasok sa loob ng gate. Tumayo lang ako sa puwestong hindi ako aabutan ng ulan. Mahirap ng mapagbintangang magnanakaw o trespassers.

Lalong lumakas ang buhos ng ulan, tumaas ang tubig at halos umabot na sa aking paanan. Umurong ako ulit. Sa gawing loob ng pinasok kong gate ay narinig ko ang mahinang awiting pamasko - we wish you a merry christmas, we wish you a merry christmas - naglakas loob akong magtawag - tao po, tao po, makikisilong po - pero walang sumasagot.

Naramdaman ko ang malamig na tubig sa aking paa. Umatras uli ako at naaninag ko ang ilaw na nagmumula sa isang telebisyon.

Wednesday, January 1, 2014

Basta Driver, Sweet Lover - New Year's Eve


"Don't look so sad, it's not so bad you know, it's just another night, that's all it is, "

Malamig na sa labas ng simulan ko ang paglalakad sa Ayala. Iilan na lang tao sa kalsada at may putukan na ring naririnig. Sandali na lang ay 2014. Halos hindi ko namalayan ang pasko. Ngarag sa trabaho na lubos kong ipinagpapasalamat dahil magmumukmok lang ako kung hindi ako naging busy.

"Hindi mo naman kailangang malungkot at mag-isa" nginitian ko ang nagsalita tsaka ako pasalampak na naupo sa bench na  nasa pedestrian entrance ng G3 parking. Nakakapagod maglakad kung nag-iisa.

Hindi ko na kailangang magpunta sa G3 parking lot dahil hindi naman ako nagmamaneho. Dati-rati kasi, sa G3 naka-park ang kotse ko. Malayo kung tutuusin sa opisina naming nasa Herrera pero dahil mahilig akong maglakad sa loob ng mall kung napaaga ako ng uwi ay napagdesisyunan kong magpa-park sa G3 para hindi ako nahihirapang maghanap ng parking pag hapon. Natigil lang yun, almost six months ago, nung ikinasal na ang mahal ko.

Napabuntunghininga ako. Must be the masochist in me - naghahanap ng saya sa mga lugar ng nagbibigay sa akin ng lungkot dahil lagi ko siyang naaalala.