Friday, November 1, 2013

This Guy's In Love With You Pare part 1



Ang sabi nila, yung taong nagmamahal daw ang laging last to know.

Halos limang oras din akong naghihintay sa Monumento Station ng LRT bago ko natanawan ang paglabas ni Robert sa train. Lungkot ng lungkot ako, I was hoping na mali ang text sa akin ng kabarkada ko. Palihim ko siyang sinundan ng pumasok siya sa North Mall, nung una ay patingin-tingin sa mga DVDs tapos ay pumanhik siya sa hagdan paakyat sa third floor ng nasabing mall. Hindi ko alam kung paano ko siya masusundan, kitang-kita ako kung susundan ko siya sa itaas.

Ilang minuto lang ang nakaraan ng makita kung sino ang tatagpuin ni Robert sa lugar na ito. Nagkunwa akong naghahanap ng mga DVD files.  Nanlumo ako ng makita ko siya. Ano ang laban ko sa kanya. Matagal ng sinasabi ng barkada ko na bantayan ko si Robert dahil mukhang more than friends sila ng aking Boss. Sabi ko imposible, pamilyadong tao si Boss, I shrugged it off. Pero eto ang kompirmasyon. Right before my eyes.

Pumanhik ako sa third floor at naabutan ko ang patalilis nilang pagpasok sa side-entrance ng Sogo. Makati-Caloocan, magkabilang dulo tsaka lugar na hindi mo pag-iisipang pupuntahan ng aking Boss, sino nga naman ang mag-aakalang dito sila nagtatagpo? Sumunod ako at kumuha rin ng kwarto.

"Pagtapos niyo diyan ay baka gusto mo akong daanan sa Room 143" text ko kay Robert. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ni Robert pero gusto ko siyang makausap. Siya ang una kong naging boyfriend pero ngayon ay mukhang mayroon na siyang bago. Kahit Linggo lang, makikiusap ako, kung papayag si Robert, ayos na sa akin, basta wag lang niya kong iiwan.

Una kong nakita si Robert sa grocery sa isang sikat na mall sa Quezon City. Marami akong pinamili at dahil hindi ko dinala palabas ang grocery cart ay hirap akong naglakad papunta sa paradahan ng taxi.

"Tulungan na po kita" alok ni Robert sa akin.

"Naku hindi kita aayawan. Sa taxi stand tayo" masaya kong sagot kay Robert. Nang nasa pilahan na siya ay lumingon ako sa paligid. Nang makita ko ang trash can ay nilapitan ko ito.

"Alam kong bawal sa inyo ang tumanggap ng tip kaya iniwan ko na lang sa likod ng trash bin yung para sa iyo. Pag sinuswerte ka at hindi pa kinuha ng maintenance ang basura, me pera ka. Kunin mo, dagdag din sa kita mo." Ngiti ang isinukli ni Robert sa pagmamagandang loob ko sa kanya.

Hindi naman ako maperang tao, likas lang siguro sa akin ang pagiging matulungin. Naiintindihan ko naman kung gaano kalayo ang mararating ng sandaang pisong tip sa mga minimum-wage earners na tulad ni Robert.

Dalawang buwan makaraan ang unang pagkikita ay muling nagkrus ang daan namin ng mamimili ako sa hardware section.

"Parking - 3rd floor" sabi ko sa sales assistant na naghatid sa akin. Dahil nasa parking naman at walang makakakita ay inabutan ko ng tip ang sales assistant na naghatid sa akin. Umiling ito.

"Ano ba yang tangnang bawal-bawal na yan." Lumingon ako sa paligid at ng mamataan ko ang hinahanap ko ay nilapitan ko ito tsaka ko binalikan ang sales assistant.

"Alam kong bawal sa inyo ang tumanggap ng tip-"

"Kaya iniwan ko na lang sa likod ng trash bin yung para sa iyo." biglang singit ng assistant "Pag sinuswerte ka at hindi pa kinuha ng maintenance ang basura, me pera ka. Kunin mo, dagdag din sa kita mo." Ngumiti ang sales assistant sa akin. "Salamat po, yung iniwan mo dati, nakuha ko."

"Nagkita na ba tayo?"

"Opo, mga two months ago, sa grocery." "Panong--?" "Endo na po ako sa kabila, sa Hardware naman ako nag-apply pagkatapos ng two weeks."

"Ganun ba? Cathy, ano na nga pangalan mo? Baka magkita na naman tayo."

"Robert po." Gaya ng iba, ay nakita ko ang pagtataka sa mukha niya ng marinig niyang pangalan ko.

"Cathy as in Catalino Poqui Dimapasoc. Inong dati sa probinsiya, pagdating ko sa Maynila, gagawin ko sanang Lino kaso ang dami ng Lino e gusto ko yung pangalang unique at bihira lang ang mayroon, yung pag binanggit mo e ako agad ang maalala mo, kaya ginawa kong Cathy."

"Bakulaw na bakulaw ka po, balbas sarado, tapos Cathy, hindi po bagay."

"Pero pustahan tayo, hinding-hindi mo na ko makakalimutan dahil sa kakaibang pangalan ko di ba." tumango si Robert bilang pagsang-ayon.

"May kotse ka pala Sir bakit naka-taxi ka last time."

"Sa Boss ko yan, pinagamit lang. Ni hindi nga ako marunong magmaneho. Tsaka siguro kahit marunong ako, hindi ako pagmamanehuhin non dito."

"Kasama niyo Boss niyo?" tanong ni Robert habang inaayos niya ang mga pinamili ni Monching sa likuran ng kotse.

"Driver, pinahiram din."

Ang pangatlo naming pagkikita ang nagselyo na magiging mas malalalim pa sa magkaibigan ang magiging relasyon namin ni Robert. Tiga Bagong Barrio ako, at sa MRT ako sumasakay galing sa Makati kung ako ay pauwi na sa amin. Dahil sa dami ng tao sa side ng patungong Trinoma ay minabuti kong sumakay ng tren papuntang EDSA para dun na ko sasakay ng tren pabalik sa Trinoma. Pagdating ng tren sa EDSA ay narinig ko ang anuunsiyong may nasiraan tren sa Shaw station at magkakaroon ng delays dahil ito.

Kesa maipit sa trapik ay minabuti kong lumipat at sumakay ng LRT. Pagdating ko sa Monumento, naisipan kong tumingin sa mga nagtitinda ng pekeng DVD tapos ay saglit akong nanood sa bandang nag-so-show dun sa beerhouse sa second floor ng North Mall. Tapos ay naglakad na ko pababa sa ground floor.

Nasa tuktok na bahagi pa ko ng hagdanang pababa sa ground floor ng mamataan kong nag-ilaw ang elevator ng Sogo. Lalaki at babae ang lalabas sabi ko sa sarili ko. Pagbukas, nakita ko ang isang gwapong lalaki lumabas. Hinihintay kong sumunod ang kanyang kasama pero hanggang sa nagsara ang pinto ay walang lumabas na ibang tao sa elevator.

Nangiti ako. Style yun ng mga taong ayaw magpabuko, sigurado ako, lalaki rin ang kasama nito at nahihiya silang makitang magkasabay na lumabas sa elevator ng Sogo.

Kyuryus, sinundan ko ang gwapong lalaki. Tumingin-tingin ito sa mga pekeng DVD tsaka dahan-dahang lumakad palabas. Susunod pa sana ako ng mamataan ko si Robert, masaya akong kumaway sa kanya pero tila hindi niya ako nakita. Lalapit sana ako sa kanya, pero nabigla ako sa kanyang ginawa - kinalabit niya ang gwapong lalaki na lumabas kanina sa elevator ng Sogo tsaka sila hiwalay na lumabas ng North Mall patungo sa direksyon ng LRT.

Binilisan ko ang lakad ko, pumasok sila sa Mcdonald. Deretso sila sa taas, sa CR. Natawa ako, hindi pa rin sila tapos? Famous ang CR na ito para sa mga naghahanap ng panandaliang aliw. Pagpasok ko sa CR ay di ko nakita si Robert, yung gwapong lalaki lang ang nandun at nagkukunwang nagsusuklay sa harap ng salamin. Nasa loob siguro ng cubicle si Robert. Pumasok ako sa loob ng isa pang cubicle tapos narinig ko ang pagbukas ng pinto ng isa pang cubicle.

"Ang laki talaga ng kargada mo Robert" narinig ko. Si gwapo siguro yun.

"Masaya ka ba?" boses ni Robert yun.

"Sulit ang limandaan."

"Marami ka namang overtime, baka pwede mo namang dagdagan next time" si Robert uli.

"Tignan ko pare, bilihan din ng gatas next week."

"Kaya nga dapat dagdagan mo" si Robert ulit "daming project yung kapatid ko."

"Sus, maghanap ka pa kasi ng isa pang Fafah."

"Ayoko, baka mahuli pa ko, patay ako sa Tatay pag nagkataon. Kung hindi ko naman nalaman ng gusto mo, hindi naman ako maggaganito."

"Sus, ang OA mo. Nagpapatsupa ka rin sa sine no, dun ko nga nalamang pwede ka pala"

"Kaya nga tinanong kita kung kaya mo kong bigyan kahit limandaan lang para isa lang, mahirap naman yung marami ng nakatikim sa titi ko, baka isang beses, masalubong kami ni May nung mga nakatikim sa akin, pagsigawan nilang kami nauna sa titi ng syota mo. Pangit di ba."

"Oo na."

"Tsaka tulong ko na rin naman sa yo, maski pano, sa akin, siguradong hindi kita ibubuko sa Mrs. mo."

"E kaya nga labs kita e." hagikhikan silang dalawa hanggang sa tumahimik ang paligid. Siguro ay wala na sila kaya nagdesisyon akong lumabas ng cubicle.

Hindi ko alam kung sino ang mas malaki ang mata sa pagkagulat, pero nanlaki ang mata ko gayun din si Robert ng makita ko ang paghahalikan nila ni gwapo.

Sinenyasan ko sila not to pay attention to me.

"Putsa, bakit di mo sinabing may tao" narinig kong tanong ni Robert kay gwapo. Bumaba ako at bumili ng Burger Mcdo. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Pwede po ba tayong mag-usap Sir Cathy?" pag-angat ko ng ulo ko ay nakita ko sa aking harapan si Robert. Namumula. Nakangiti. Shit. Ang cute ng gago.

Oh yes. Bakla ako. Aminado. Sa sarili ko lang, hindi sa ibang tao. Siguro kong aaminin kong bakla ako sa ibang tao, sasabihin nila, joke, joke, joke. Kaya pinangatawanan ko ng isa akong lalaki. Maliban sa best friend kong si Andy, kasamahan ko sa trabaho at gaya ko, isa ring baklang hindi buko.

"Huh?" hindi ko maintindihan kung bakit nag-iinit ang mukha ko. Huminga ako ng malalim. I am thirty years old, and believe it or not, virgin. Hindi sa ayokong manlalaki, gaya ng narinig kong sabi ni Robert, may pinag-aaral din akong mga kapatid, meron din naman akong sobra kaya lang ang sobra ko baka hindi sapat kung manlalaki ako. Alam ko namang kailangan din ng puhunan kung makikipagdate ako, ke babae o lalaki, kaya lang yung budget ko mukhang kahit kargador sa pier hindi papatusin.

"Sir Cathy?" tumingin ako kay Robert. Limandaan, kahit sanlibo, kung once a week kami lalabas. Sanlibo sa kanya, four hundred siguro sa Sogo, kung kakain kami sa McDo, mga three hundred. More or less mga two thousand times four weeks = eight thou. Kelangang tanggapin ko na ang alok na part time job nung sang kaibigan ko.

"Sir Cathy" nakakatunaw ang kanyang nagsusumamong ngiti. "Sandali" sabi ko kay Robert. Sa sweldo ko ngayon, nakakapagsave ako ng almost five thou a month, di pwedeng pakialaman, for emergencies sa bahay. Pero sayang din tong si Robert. Kung tawaran ko kaya ng P750 per date? Natawa ako sa kagagahan ko.

"Wait" ulit ko kay Robert ng makita kong hindi siya mapakali sa pagkakatayo niya sa harapan ko. Text ako sa barkada ko. "Magkano nga yung offer mo sa part time?"

Ilang saglit lang ay nagring ang telepono ko.

"P400/hr, minimum of eight hours, maximum of ten hours per week. Ano, sige na, payag na."

Minimum of P3,200/week, kung bibigyan ko siya ng one thou per date tapos one thou para sa motel at pagkain, may masusubi pa kong one two, hmmmm, hindi ko mapigilang ngumiti.

Magtuturo ng English sa mga Koreans and Chinese ang part time job na inaalok sa akin ng isa ko pang kabarkada. Wala naman akong pasok ng Sabado't Linggo. Pwede kong diretsahin ang eight hours kung Sabado, tapos gabi kami magkikita, may pahinga pa ko ng Linggo. Nakangiti akong tumingin kay Robert. Sinenyasan ko siyang maupo.

"Magkano pag may special service?" wala kaming ganun, sagot nung nasa kabilang linya.

"Sir?" tanong ni Robert sa akin, kitang-kita sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa kanya ako nakatingin habang tinatanong ko yung kausap ko sa telepono.






































9 comments:

  1. na-miz ko 'to... at ngaung may free time... eto tlgang blog mo ang inuna ko... hehehe

    ReplyDelete
  2. Sheeeeet ganda! Bitin..meron na nman bagong aabangan.

    ReplyDelete
  3. Nice story..

    Bash..

    ReplyDelete
  4. Hi Senyor, thanks for dropping by.

    To the likers, thanks. I hope I can post the next installment by next week. As I've said to one of the readers of my blog, I am presently a RUSSIAN now. As in, rush yan, rush yan, daming work sa opis, no time for P.O. (patay oras).... it is practically 24/7 sa work right now, well, a good time to be busy when one is heartbroken.....

    ReplyDelete
  5. hi gaston, personal mo 'tong kwento? curious lang

    ReplyDelete
    Replies
    1. personal as in ako ang may gawa? opo.

      personal as in based on my own experience? partially true

      Delete
  6. Na publish ba ang part 2 nito?! Inisa isa ko na lahat ndi ko sya makita..pa help nmn..

    ..spok...

    ReplyDelete
    Replies
    1. sorry, no part two yet. nadelete ko accidentally. hindi ko makuha yung tamang inspirasyon to continue.... but I will, nakikita ko naman yan sa mga draft mode ko na stories

      Delete
    2. Ahhh ok...tnx sa reply...

      ...spok....

      Delete