Monday, June 10, 2013

My Husband's Lover


Nang una kong marinig na may drama sa Channel 7 tungkol sa isang lalaking nag-asawa kahit na nagkaroon na siya ng ugnayan sa kapwa lalaki ay natuwa ako - mapangahas, naiiba at isang magandang pagkakataon para ipakita na maari ring magkaroon ng pagmamahalang tapat sa pagitan ng dalawang lalaki.  Sa nakikita ko sa reaksyon ng aking ina ay masasabi kong matagumpay ang bagong drama dahil mukhang nagkaroon ng konting puwang ang pag-unawa at pagtanggap sa relasyong lalaki sa lalaki. Pwede pala yun, sabi niya sa akin, silently acknowledging that me loving another man is not really a crime after all.

Aaminin ko na wala pa akong napanood ni isang episode ng naturang drama ng GMA7. Natakot ako. Minsan na akong nagmahal ng isang lalaking natutong magmahal ng isang babae, pagmamahal na ako ang nauna pero kailangan kong ipagparaya dahil yun ang alam kong tama. Natatakot ako na baka makita ko ang kwento ko sa dramang ito, dahilan upang magbalik na parang bangungot sa aking isipan ang alaala ng aking unang pag-ibig. Kung tutuusin ay hindi naman talaga siya nawala sa aking isipan, para lang siyang isang multong nag-aabang...





Tama rin sigurong magtanong ng ganito - PAANO KUNG ANG KARIBAL NI ADAN KAY ADAN AY ISANG EBA? ano ang iyong gagawin?

Will you walk out of the church crying in pain like I did?
Will you fight for your love because you were first?
Will you make his life miserable?
Will you make his wife's life miserable?
Will you be friend with his wife?
Will you still be friend with him specially if he never ask for a break-up?
Will you break-up with him even if he never ask for a break-up?

Ikaw nakaranas ka na ba ng ganitong uring relasyon? Ano ang gagawin mo kung sakali?












6 comments:

  1. I just watched the first 3 episodes... Swak at pasok sa banga... Great casting... Ganda ng mga shots... Galing ni Glydel... Si Kuh? D masyado...

    Nakakatakot si Roy Vinzon so it means he's effective...

    Dennis and Tom are really great actors... Time to shine din for Carla Abellana...

    Sana ma-sustain ang magandang storyline!!!

    ReplyDelete
  2. I agree, maganda ang mga shots ng camera. Superb ang screeplay kaya mas na-appreciate ko ung teleserye. Convincing ang acting ni tom and dennis always does his best. Carla was right for the role. Galing ng storyline. I wonder kung saan nahugot ni suzette ung ganung story. :-)

    ReplyDelete
  3. Sensitive n drama,sana ung plot mpangalagaan hanggang dulo! ang sakit n pg ngmahal k,pnipgilan dhil mdming mgugulo! the best ung theme song by kuh ledesma! sobrang npkalungkot,tgos hanggang buto!

    ReplyDelete
  4. great story so far...ang galing.. i recommend gma for heading this kind of drama... b4 i answer the questions,, i admit dat i am BI & im proud of it... & im presently in a relationship wid a businessman.. we're running 3 years of our relationship... only few friends knew abt. us for my dad is a service man...my love is also into a relationship and they are abt. to marry soon in 3 months time.. gosh my whole world broke down on my face upon learning that... but he.says he loves me full much & business wise is his reason to marry that girl.. i dunno how to face d truth dat he still will marry dat girl & i dunno how long can i take that... im hurt and still in love wid him...

    ReplyDelete
  5. i will fight for love if that love is worth fighting for...

    ReplyDelete
  6. Been there on that situation.. eba ang karibal q.. i fought for it pro nabuntis na nya c eba kaya pinilit q nlng lumayo.. pinilit kalimutan ang 2 taon na cnra lng ng isang eba.. pro bago pa man aq lumayo nun at ngcmulang mgng malamig sa kanya cnbi nya sakin na mas mahal nya q kesa kay eba.. pro ang sbi q nlng too late n ng marealize nya mas mahal nya q xe buntis na ung eba..

    ReplyDelete