Friday, June 7, 2013

Celebrity Crush - Song Seung Heon

Kung si Atticus Finch ang paborito kong fiction character, masasabi kong si Lee Dong-chul ng East of Eden Korean Drama ang pangalawa sa aking listahan, hinding-hindi ko malilimutan ang kanyang hinagpis ng malaman niyang ang kinikilala niyang kapatid ay anak ng taong pumatay sa kanyang ama.  Equally impressive ay nang magtagpo sila ng tunay niyang kapatid na kinilala niyang kaaway mula pagkabata sapagkat ito ay pinalaki ng mortal na kaaway ng kanilang pamilya.  Ang pagtatalo ng kanyang kalooban dahil sa pinaghalong inis at galak ay talaga namang titimo sa iyong puso.


At dahil sa kanyang makatotohanang pagganap bilang si Lee Dong-chul ay naging isang instant tiganganga ako ni Song Seung Heon, isa sa mga nagpasimuno ng Korean Wave across Asia and then the world.  At dahil nga sa maigting niyang pagganap sa naturang serye, ni minsan ay hindi ko na sinubukang panoorin pang muli si Seung Heon.  Baka hindi pumasok sa aking expectation ay mabawasan pa ang paghanga ko sa kanya.

This guy started as a model and starred in several hit Korea dramas including  My Princess which I think was shown here recently.



He certainly looks yummy in these photos.  But even with his clothes on, I think you will all agree that he still looks yummy.  Ala, pagtyatyagaan ko na hahahahaha


No comments:

Post a Comment