Tuesday, August 13, 2013

One True Love - senti mode



Ang sabi mo sa akin noon, ang buhay ko ay parang Plaza Lawton - may intersection, may history, may overpass, binabaha, malubak, mapanghi, dimly lighted, ma-tao, masaya  - a contradicting maze na sabi mo nga sira-ulo lang ang magkakainteres na pumunta. Tinanong kita bakit  interesante kang dumaan sa aking lugar - sabi mo you like the challenge of the unexpected, what you get it from it gives you an immeasurable high. 

But you were honest enough to tell me that coming to my place was just a side trip for you. Or a temporary stop-over to where you will eventually settle. Ang sabi mo nga habang dumaraan ka ay mag-ingat ako - dahil isa kang double-bladed na sasakyan - isa kang pison na kailangang dumurog muna bago pumatag.


Gayunpaman, maraming salamat sa iyong pagsa-side trip sa akin patungo sa iyong pupuntahan.  Nasaktan man ako sa pagdating mo sa aking buhay salamat pa rin dahil sa iyong pagdaan ay napatunayan kong kahit anong pagdurog ang gawin sa akin ay kaya ko pa rin palang tumayo uli. Ganon siguro talaga ang pison ano, kailangan munang may madurog para maging patag at maayos ang kalsadang dadaanan. 

Minsang nagkita tayo ay tinanong mo ako kung nalimutan na kita.  Hindi mangyayari yun, paniniguro ko sa iyo.  Anumang uri ng alaala ang iyon iniwan, lagi kang andito sa puso ko.  Unlimited parking hours for you kung minsang mapadaan ka uli sa aking kalsada.  


Happy birthday Liam Ariston.  Salamat na minsan ay naging tayong dalawa dahil nalaman kong pwede pala akong magmahal.  At mahalin.







At gaya ng sabi sa paborito nating pelikula - MAY THE FORCE BE WITH YOU, ALWAYS! Mwah.










No comments:

Post a Comment