Wednesday, November 5, 2014

Si Manong Eddie at Manang Susing (a crazy gay love story)


Pumasok sa kamalayan ko si Manong Eddie nung ako ay twelve years old pa lamang.  Second cousin ko siya on my mother side at nakatira siya sa isang baryo sa Vigan.  Gwapo (kamukha niya ng aming distant relative na artista nung 50s na si Robert Campos, asawa ni Luz Valdez na madalas gumanap na Lola sa mga teleserye ngayon), may dalawang anak at isang biyudo.  Matapos ang ilang failed relationship nagulat ako ng mabalitaan kong may kinakasama itong isang cross-dresser, si Manang Susing, isang manikurista sa isang parlor malapit sa dating Cindy's sa Vigan, sa gilid ng istasyon ng dating Times Transit na Dominion na ata ang pangalan ngayon.

Hindi ako masyadong malapit kay Manong Eddie, siguro dahil sa umiiwas talaga ako sa anumang bagay na may kinalaman sa usaping bakla.  By that time kasi alam ko ng isa akong bakla pero dahil trying hard ako to win back my father, I became homophobic.


Tuwing dadaan ako ng Vigan, lagi kong pinagmamasdan ang buhay nina Manong Eddie at Manang Susing.  Gusto ko kasing malaman kung pano ba naglive-in ang isang byudo at isang bakla.

Para rin silang tipikal na pamilya - sa umaga, gigising si Manang Susing, maghahanda para sa papasok na asawa at mga bata, tapos ay maglalaba tsaka ito papasok sa parlor sa pinakabayan ng Vigan. Kinahapunan, uuwi na ito, magluluto, mag-aayos ng bahay tapos ay matutulog na sila ni Manong Eddie.

Nagtataka ako kung bakit sa ginandang lalaki ni Manong Eddie ay sa isang cross-dresser siya nakisama.  Pero tanggap na tanggap ng pamilya ni Manong Eddie ang kanyang pakikipagrelasyon kay Manang Susing, para sa kanila, mas naging matino daw ito kaysa noong nagpapalit-palit ito ng karelasyon simula ng siya ay mabyudo.

Isang araw na di na ko makatiis ay tinanong ko si Manong Eddie.

Ako:  Manong, bakit kay Manang Susing ka nakisama?"

Manong Eddie:  Anong masama dun tsaka mabuti yun di na mabubuntis.

Ako:  Iyon lang ang dahilan?

Manong:  Tsaka masipag yun, magaling maglaba, masarap magluto.

Ako:  E di dapat kumuha ka na lang ng katulong.

Manong: Sayang lang ang isusweldo tsaka kelangan ko rin ng katabi sa gabi. Magaling ang bakla sa kama, kala mo..

Ako:  Pano kayo pag gabi?

Manong Eddie:  Anong pano?

Ako:  Sex life?

Manong:  E di kung ano ginagawa ng mag-asawa.  Gabi-gabi, hawak niya titi ko, tapos minsan isusubo niya pero every other night lang ako nagpapalabas kasi medyo me edad na ko, di ko na kaya.  Minsan, pinadadapa ko siya.

Ako:  Walang romansa?

Manong:  Gago, hindi naman ako bakla bakit ako makikipagromansa sa kanya.

Ako:  So ikaw lang ang nasasarapan?

Manong:  Syempre nasasarapan din siya, ang laki ng titi ko, gustong-gusto nga niya.

Ako:  Ibig ko bang sabihin, pano siya, hindi ba siya nagpaparaos?

Manong;  Ang baboy naman kung magpapalabas siya sa tabi ko.

Ako:  Bakit magiging baboy??

Manong: Nako Kris, ang dami mong tanong.  Di mo pa maiintindihan kasi bata ka pa.

Tumayo ito at nilayasan ako.

Nakita ko si Manang Susing.

Ako:  Manang, pwedeng magtanong?

Manang Susing:  Sure.

Ako:  Kahit ano pwede?

Manang:  Oo

Ako:  Kahit medyo bastos?

Tumawa ito sabay pingot sa aking tenga.

Manang:  Fire.

Ako:  Bakit nagustuhan mo si Manong Ed?

Manang:  Ang gwapo ah (kilig na kilig)

Ako:  Ang daming mas bata tsaka walang anak

Nanahimik.

Manang:  Mag-aasawa din ang mas bata tapos magkaka-anak.  Mas malamang iiwan na ako, kukuwartahan pa ako.

Ako:  Hindi ka pineperahan ni Manong Ed?

Manang:  Hindi, pag sweldo nga di ba inaabutan ako ng panggastos para dito sa bahay.

Ako:  So feeling mag-asawa talaga kayo.

Manang:  Oo

Ako:  Panong sexlife mo?

Natawa ito at marahan akong pinalo ng hawak niyang pamaypay sa aking balikat.

Manang:  Ay ang laki ng titi ng pinsan mo, ang sarap-sarap isubo. Nasusundot na nga pati tonsil ko tsaka tigasin siya, parang bata pa rin. Pero ang masarap dun yung may katabi ka sa pagtulog tapos matigas na titi ang gigising sa yo sa umaga, yung tinutusok-tusok ang psingi ng puwit mo. Hays hahahaha.

Ako:  Tapos?

Manang:  Ayaw na niya ng araw-araw pero pag yung araw na magpapalabas siya ng tamod ay pagulong-gulong kami sa kama kasi gusto niya ng iba-ibang posisyon. Gustong-gusto niya yung nakahiga ako tapos kakantutin niya yung bunganga ko.

Ako:  Tapos?

Manang:  Ano pa ba?  E di pag nilabasan na, tutulog na kami. Minsan, sasabihin ko sa kanya wag na siyang magsuot ng brief para paggising ko sa umaga kita ko agad yung titi niya.

Buong landi siyang tumawa habang inaala niya ang kanilang pagniniig.

Ako:  E kelan ka nagpaparaos?

Tumingin ito sa akin.  Nang mabasa niyang seryoso ako sa pagtatanong, biglang lumungkot ang mga mata nito.

Ako:  Sa tingin mo magtatagal kayo?

Manang:  Hindi lang naman sex ang pagmamahalan.  24 hours ang isang araw.  Siguro dalawang oras lang ang gugulin mo para sa sex.

Ako:  Nagustuhan mo naman si Manong Ed dahil sa sex di ba?

Manang:  Nung una, pero nung magsama na kami, masarap pala.  Masarap pala yung may uuwian ka, yung may pinaglalaanan ka.

Ako:   Bakit puro para sa kanya lang.  Kahit minsan ba hindi mo sinubukang magpalabas na kasama siya?

Manang:  Ano bang tanong yan, mahalaga ba yung magpalabas ako?

Ako:  Akala ko nagmamahalan kayo?

Manang:  Dahil lang sa wala akong sex life, di na pwedeng magmahalan?

Ako:  Wala lang, di ko lang kasi maintindihan kung nagmamahal ka talaga o tanga ka lang.

Tumayo ako, palabas na sana ng bahay nila ng magsalita siya ulit.

Manang:  Minsan sinubukan ko.  Yung unang gabi namin, yung officially na kami na. Niromansa ko siya ng husto, syempre, lahat ng mujer dito sa Vigan pinagnasahan  ang pinsan mo kaya nung biniro ko siyang ako na lang ang asawa niya tapos pumayag siya, siyempre kilig na kilig ako.  Lahat ng alam ko sa sex, ibinigay ko sa kanya nung unang gabi namin at dahil akala ko mag-asawa na kami, naghubad ako tapos niyang labasan, humiga ako sa tabi niya, kinuha ko ang kamay niya at pinahawak ko ang aking hotdog. Bigla siyang tumayo at sinuntok ako.

Ako:  Bakit?

Manang:  Hindi daw siya bakla kaya kung gusto ko daw na magtagal pa kami, wag ko ng ulitin ang ginawa ko.  Kung hindi ko daw gusto yung pagsuntok niya, pwede na daw akong umuwi nung ding oras na yun.  Syempre ayoko no.  Jackpot na ko, may asawa na ko tsaka pagtatawanan ako ng aking mga amiga pag napalayas ako agad.

Ako:  Gaya ka rin ng ibang mga babae, kahit hindi na masaya magtityaga na lang sa relasyon dahil lang sa nahihiya.

Manang:  Bata ka pa talaga Kris.  Intindihin mo, ang lalaki para sa babae talaga.  Ang bakla pag nakakuha ng lalaking ibabahay siya, jackpot yung todo-todo.  Naka-jackpot ka na dahil lang sa konting aberya, aayawan mo na ang jackpot.  Isipin mo Kris, ilang bakla ba ang may inuuwiang asawa?  Tsaka mali ka, ang successful na pagsasama hindi naman kailangang laging give and take.  Minsan, kung konting problema lang, pwede mo ng i-take ng i-take o palagpasin na lang.  Hindi naman kailangang pantay lagi, kailangan lang may matutong magpakumbaba.  Tignan mo, masaya naman kami, nagkakasundo kami, dahil lang sa hindi ako makapagparaos ay nagtyatyaga na ako?

Siguro nga bata pa ako noon.  Pero hindi ko talaga sila naintindihan noon hanggang ngayon. Kung anong klaseng pagmamahalan mayroon sila. Siguro nga, hindi naman be all and end all ang sex sa buhay ng magkapartner.  In their late 50s na sila, dapat nasa-Amerika na si Manong Eddie dahil approve ang petition nito pero hindi niya maiwanan si Manang Susing.  Aba naka-25 years na nga sila at talagang naghanda pa sa baryo para ipagdiwang at ipagpasalamat ang nagtagal nilang pagsasama.  Ilang beses kong tinanong si Manong Eddie bakit si Manang Susing pero ganun pa rin ang kanyang sagot, masipag sa lahat ng bagay si Manang Susing - paglalaba, pagluluto, maasikaso at ang magaling sa kama.  25 years living together in a relationship that is frowned upon by most in a heterosexually-ruled society, amazing.

PS -

Sabi ni Manang Susing, nagse-sex na daw sila ni Manong Eddie.  Pag natapos ng maligo si Manong at siya na ang kasunod, kukunin daw niya ang brief ni Manong at ibabalot sa titi niya tsaka siya magsasalsal mag-isa.  Naka-25 years pa sila sa ganong porma, siguro kung mutual ang pagpapaligaya, baka abutin pa sila ng 50 years together. 50 years? Titigasan pa kaya si Manong Eddie nun?

Almost 6 years din naging kami ng syota kong pulis and I credit Manang Susing for that.  She showed me that "LOVING IS NOT REALLY ABOUT TAKING BUT GIVING."













9 comments:

  1. Sang-ayon ako kay Manang. Sa bawat relationship merong intention ang bwat panig. It can be sex, companionship, money, or some other else. Kapag sex o money ang intention, di yan magtatagal. Pero iba pag companionship, kahit walang sex o kahit sapat lang ang pera, buo pa rin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kinarir mo talagang magbasa at magkomento. Ala pag ganyan, nakakaganang magsulat lalo....

      Delete
    2. Hindi naman kinarir haha. Ang totoo sarap basahin ng blog mo kaya di maiwasan mag comment. :))

      Delete
  2. Oo nga pala, kala ko may kinalaman to sa movie ni Mario Maurer. Yung title eh haha, crush ko yung hayup na yun haha.

    ReplyDelete
  3. that's love. what else can i say?

    -walter

    ReplyDelete
  4. Hindi lang naman sex ang bawat relasyon. Kasama sa nagpapaningas ang sex sa bawat relasyon. Mas matagal yung bonding at pagkakaintindihan. Wow, congrats to Manong Ed at Manang Susi! Sana umabot pa ng 50th year. Kahit maputi na buhok, kulubot na mukha at hindi tumitigias ay matatag pa rin ang pagsasama nyo!

    ReplyDelete
  5. Nice one. Considering nga na they were in a very conservative society during a conservative time nagawa pa ng relationship nila na mag-endure. Baka ganun lang ang sinasabi nila sayo, mr author - na they became partners dahil sa sex tsaka sa roles nila as husband and wife - pero maybe they feel something deeper na sila dalawa lang nakakaalam. It's just my opinion ah, pero di magsusurvive ang relationship pag wala yun. I think that thing there is love. :)

    ReplyDelete
  6. http://kuyamacmac.blogspot.com/

    http://kuyamacmac.blogspot.com/

    ReplyDelete