Thursday, February 14, 2013

One True Love - 2


"Please leave me alone Kris"

"Ibaba muna kita, then I'll go"

"Leave me alone and stop being my fucking attorney"

"Ano!?"

"You heard me"

"Anong gagawin mo, lalakad ka tapos gugulong ka ulit pababa?" sabay sipa sa kanyang saklay.

"O sige gawin mo kong lalong inutil, sige, kargahin mo ko" naiiyak na sabi nito.

Umupo ako sa tabi niya "Aris, tama na.  Alam mo para kang tanga. di ka naman tanga di ba?"



"Pasensiya na Kris.  Naiinggit lang ako.  Dati, bidang-bida ako kahit saang umpukan pero hindi ko matanggap na nagbago ang lahat ng putulan ako ng binti. Sanay akong maraming nakapalibot sa akin, matalino, gwapo, alam mo ba, magaling akong magbasketball.  Pangarap kong makapasok sa PBA.  Idol na idol ko si Hector Calma, yun ang pangarap ko e, maging point guard, yung ikaw ang magmamaniobra pero ngayon eto ko, pababa ng Intramuros di ko magawa.  Am I boring you?"

"Nope, I'm all ears."  Inabot ko sa kanya ang kanyang saklay. "Sorry ha" I sheepishly said.

"Tanda mo Aris nung pangalawang punta natin dito, ang dami nating kwento, ang dami nating plano, you were so full of life, sabi mo you'd be the next Nonoy Zuniga.  Asan na yung laging nagsasabing walang imposible sa taong nangangarap?"

"Ang hirap mangarap mag-isa Kris"

"Mamatay ka na ba Aris?  Ang bata pa natin, bakit ka ba nagmamadali?"

"Sorry Kris" pilit ang ngiti sa kanyang mukha.  "Sa sobrang gusto kong magblend, nagiging tanga na ko"

"Syota ba talaga hanap mo?  Let me find you one."  Ako na lang, hehehe,

One time, andun kami uli sa taas ng Intramuros ng kulitin ako ni Aris.

"Naging kayo ba talaga ni Nette?"

"Oo, bakit, imposible ba?"

"Oo kasi di ka naman gwapong tulad ko tsaka sabi ni Nette wala ka pang pera, anong alas mo?"

"Ugok" sabi ko sa kanya sabay turo sa utak ko. "Akala niya nung una, me pera ako.  Transferee kasi siya sa school namin tapos yung mga barkada ko puro may pera, kala niya ganun din ako.  Ayos naman tong mga barkada ko, inaabutan ako ng panggastos pero ano ba pagkakagastusan ng nasa HS, banana cue? kendi? sago? coke? ganun lang naman.  Kaso nung fourth year nagkaice-cream house malapit sa iskul, nung una, ayos lang pero nung masyado ng naging maluho, kasi burger tapos ice cream house, natuto nga akong mandugas pati sa canteen, yung kukuha ng pagkain tapos hindi babayaran. Tapos dami ko pang extrra-curricular activities. Ayun. Nagkalamigan na."

"Bakla ka daw?"  ano ba yun wala man lang pasakalye.

"Di yun ang dahilan bakit kami nagbreak, di ko na lang kinaya ang luho niya" iwas pusoy.

"Pero bakla ka nga?" ang kulit naman nito.

"Hindi ako bakla, bisexual ako.  Lalake sa lalake lang ang bakla, kita mo naman, me naging syota ako, kung mag-uusap pa kayo e tanong mo na lang kung bakla lang ako."

"Nanlalake pa rin yun."

 "Oh well"

"Me special someone ka?"

"Ngayon?  Wala."

"Sex partner?"  Ano ba to, Spanish Inquisition?

"What do you mean sex partner?"

"Meron o wala?"

"Working student ako, asan ang time?" Bakit ba ko sagot ng sagot.

"Me crush?"

"Meron"

"Kilala ko?"  ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Ikaw yun"

"Ulol" akala naman niya ginogoyo ko siya pero good na ring di siya naniniwala, at least walang kumplikasyon sa friendship.  E di magpapakamartir na lang ako at maglalaway sa kanya sa panaginip.

Bakit ko ba siya nagustuhan - ma at pa.  Nagsimula siguro sa awa, tapos kyuryusiti tapos awa uli tapos paghanga (kasi gwapo talaga si Aris, promise,  tsaka ha, cum laude lang naman naggraduate, dapat nga magna cum laude pa siya) tapos awa uli.

"Di mo ba ko pinagnasaan?"

 "Honestly?  Hinding-hinding-hindi"  buti na yung safe mahirap namang mareject ng kapwa reject.

"Kasi putol ang paa ko?"

"Kasi friend kita.  Di talo."  Hayz, what a lie.

Second semester, naging threesome ang barkadahan namin.  Nakilala namin si Ces, working student ding gaya ko.  Cashier daw siya sa isang hotel sa Ermita at night shift ang duty niya.  AB English ang kurso at classmate namin sa dalawang minor subjects. Magandang babae si Ces pero di gaya ng ibang naggagandahang babae, mabait si Ces.  Nung malaman nga niyang super tipid ako kasi tumutulong akong magpa-aral ng kapatid, madalas ay binabaunan ako ni Ces ng sandwich na galing daw sa kitchen ng kanilang hotel.

Syempre, na-inlab na naman si Aris.  At eto naiintindihan ko kung bakit - marami namang lumalapit na babae kay Aris pero ang tingin nila kay Aris - notebook o libro, in short, kopyahan.  Ces was different, sa tinagal ng panahon, ngayon lang me tumingin kay Aris bilang isang lalaki.  Minsang nagpagupit si Aris at sinabihan siya ni Ces na mas maganda kung wag masyadong maikli ang gupit niya kasi mas litaw ang kagwapuhan niya kung nakikita ang kanyang kulot na buhok ay isang linggo niya kong kinulit kung di ba bagay sa kanya ang kanyang gupit.  Minsan nakita ko siyang naka-collared Tshirt instead of his usual long sleeve polo, sabi ko bagay dahil mas bumata ang itsura niya, sagot niya sa akin, tama pala si Ces.

Dahil nakita kong ayos naman silang dalawa, dinalangan ko ang pagsama-sama sa kanila.  Baka ma-develop e.  At dahil lagi silang magkasama, naging tampulan sila ng tukso bagay na ikinatuwa ng husto ni Aris.  Madalas pag tinutukso sila, sasabihin ni Ces na nakakahiya naman kay Aris, dahilan para lalong kiligin ito.

Pero isang araw, hindi pumasok si Ces. Ganun din ng sumunod na araw.

"Anong nangyari Aris, hindi pa man, naging ex ka na naman."  Kantyawang umaatikabo simula ng di na pumasok si Ces. Tinanong ko si Aris pero wala daw siyang balita tungkol kay Ces. Kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mukha.  Inaya ko si Aris na magtanong sa Ermita, minsan kasi ay nautusan akong magdala ng papeles sa Central Bank at mula doon ay dumeretso na ko papunta sa eskwela.  Nasa jeep ako noon ng makita kong palabas ng hotel si Ces kaya sabi ko kay Aris subukan naming magtanong doon.

Hindi sumama si Aris, sabi niya marami pa siyang ginagawang project kaya lumakad akong mag-isa.

"Ces? Wala kaming Ces na empleyado dito" sabi ng guard na pinagtanungan ko.  "Tanong mo Boss diyan" sabay turo sa isang massage parlor.

"Pero dito ko nakitang pumasok" pilit ko.  "May side entrance dyan Boss para kung may seserbisan sa hotel di na lalabas sa kalsada" paliwanag ng gwardya.

Pumasok ako sa tinurong massage parlor na gwardya at nagtanong "Ces? Walang Ces dito." "Dito pumasok Boss, kitang-kita ko, mahaba buhok, lagpas balikat, maganda tsaka" pero napatigil akong magsalita ng makita ko ang isang babaeng palabas ng elevator at may kaakbay na puti.  "Please come back again Honey, I'm missing you already"  Lumapit ako para makasiguro - "Ces?"

"Kris" she was smiling as she approached me.  "So madagdagan na naman ang mga nandidiri sa akin?"

"Hindi pero gusto ko lang malaman - yung sweetness mo ke Aris, totoo ba yun o was that a show, too, like what you are doing now?"

"Sa school Kris, totoo akong tao, dito lang ako nagkukunwari, pero hindi naman yun iintindihin ng iba.  Iisipin ng iba yung Ces tsaka Rocky iisa.  Rocky pangalan ko dito."

"So what happened?  Who cares about Rocky?"

Tumawa si Ces "Aris fell in love with me.  Hindi ako bagay sa kanya."

"So sinong bagay?"

"Ewan but definitely not me."

"But what happened?  Bakit wala ka na sa school?"

"Well, yung instructor sa Philo, I don't know kung na-under ka sa kanya, nagpunta siya dito para magpamasahe, ako yung napili niya.  Di ko naman siya naging instructor, lagi naman akong afternoon session kaya di ko siya kilala.  After the massage, he asked kung meron bang extra service, sabi ko, hanggang hand job o blow job lang ang pwede.  Nung magkasundo kami sa presyo, binijay ko siya.  Ayos naman, kaso I made a serious mistake.  A week after, Sabado yun, I went to the library to do some research.  Kokonti kami sa library, nagkuwentuhan pa kami ni Aris ng maramdaman kong me nagkikiskis ng ari niya sa likod ko.  Galit akong tumayo pero di na ko makakibo.  Siya na nga yung instructor."

"Andun si Aris?"

"Oo, pumoporma tapos sabi nung instructor 'You know this pretty young lady Aris?' Sabi ni Aris, she's gonna be my girl Sir"

"And?"

"Mas marami namang pokpok sa iskwelahan natin pero bad luck, nahuli ako in the act.  Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyong virgin ako?"

"Sa pekpek?" barkada nga kami noh "oo, pero di na sa kamay at bibig" nagkatawanan kami ni Ces sa aking sinabi.

"Guess what happened next?  Ganito rin halos ang eksenang nakita ni Aris, yung nga lang Hapon ang sinerbisan ko sa taas.  Hindi ko alam na nakita ako ni Aris so nung huli nating pagkikita sa Intramuros, he proposed.  Sabi niya, let's get married.  Sabi ko di kami bagay, sabi ko he has a bright future ahead wag niyang sayangin.  Sabi niya, alam niya ano trabaho ko but he doesn't care, so sabi ko sa kanya, di ko siya type.  If you are asking me now kung gusto ko si Aris, I do, pero tama naman ako di ba? Pampelikula lang naman yung they live happily ever after, di naman yun nangyayari sa totoong buhay di ba?

"Well, you could have given it a try." sabi ko sa kanya "Anong balak mo?"

"Nag-drop na ko ng subjects, lipat ng iskul, tapos lilipat din ako trabaho.  Babalik-balikan lang ako dito ni Aris."

Hindi kami magkaklase ni Aris pag MWF dahil puro major subjects ako sa mga araw na yun pero napagkasunduan na naming magkita lagi sa lobby para samahan ko siya sa paghihintay ng kanyang sundo.

Di ko siya nakita sa lobby at kahit ang mga kasamahan niya sa Honor's Society ay hindi alam kung asan siya.  Pumasok naman daw pero hindi nila alam kung saan nagpunta tapos ng klase.

Gaya ng aking hinala, nandun siya sa aming paboritong spot sa Intramuros, malungkot itong nakatanaw sa gawing ibaba kung saan nag-iinuman ang ilang estudyante.

"Ikaw lang mag-isang pumanhik dito?"  tumango ito at tinapik ako sa balikat.

Binuksan ko ang kanyang bag at inilabas ang kanyang bimpo at t-shirt.  Pawis na pawis si kolokoy.

"Nagkita kami ni Rocky" sabi ko habang tinatanggal niya ang pagkaka-tuck in ng kanyang polo.

"Hopeless case na ata ko Kris, biruin mo pati pokpok inayawan ako." nakangiti si Aris ngunit malungkot ang kanyang boses.

"Kaibigan naman natin si Ces, Aris, wag mong tawaging pokpok."

"Siya may sabi nun Kris."

"So self-pity na naman tayo? bumuntung-hininga si Aris.  "Uubusin mo na naman ang energy mo sa pag-e-emote?"

"Lika na Kris, baba na tayo.  Wala akong energy ngayon. Parang puro hangin laman ng utak ko."

Lumapit ako kay Aris, kinuha ko sa kanyang kamay ang bimpo at sinimulang punusan ang kanyang likuran. "Puro hangin? Ang galing mo nga sa klase eh, mga instructors napapabilib mo. Yan nga dahilan bakit type na type kita e"

"Tarantado ka talaga Kris puro ka kalokohan. Nakakasawa na kasing puro libro lang ang kaharap ko" pagpapatuloy niya "gusto ko ring me mag-aya sa akin sa beerhouse, yung makapanood ng sinasabi nilang floor show, yung makakita ng balahibong pusa" itinuloy ko ang pagpunas papunta sa kanyang dibdib.

"Gusto ko ring malaman ang mga ginagawa sa loob ng mga cubicles Kris, sabi ko nga kay Ces, kung ayaw niya sa akin, bayaran ko na siya para masubukan ko lang" bumaba ang aking kamay papunta sa kanyang tiyan.

"Pasensya ka na kung lagi kitang napagdidiskitahan" humarap ako kay Aris at pinagmasdan siya habang sinusuot niya ang kanyang t-shirt, napakaamo talaga ng mukha ni Aris at ironically, lalong tumingkad ang kanyang kagwapuhan dahil sa malamlam niyang mga mata. Kinuha ko ang kanyang kamay at inaalalayan ko siya papunta sa siwang kung saan parang titing nakapasok sa puki ang kanyong nakaharap sa Post Office.

"Naiinip na kong maghintay" inupo ko si Aris sa mga batong marahil gaya ng sabi niya ay naging saksi rin sa maraming necking at petting noong unang panahon.  Sa bandang baba, gawing kanan ng aming kinauupuan, maingay ang kwentuhan ng mga estudyanteng nag-iinuman.  Pero mas malakas ang kabog ng dibdib ko.

"Pano kung masyado ng huli bago dumating ang paa ko?  Pano kung masyado ng huli para mahalin ako?"  Shut up Aris, magpriprisinta na ko bilang syota mo.

"May magmamahal din sa yo, darating din yun, di ba magkakapaa ka naman, pinag-iipunan lang?  Gusto mo, pagpraktisan mo muna ko."

"Gago"

Nakatingin sa kawalan si Aris, samantalang ang lahat ng daga ay nagpuntahan na ata sa dibdib ko. Lakas loob, ipinatong ko ang aking kamay sa kanyang harapan.  Gulat na gulat si Aris sa ginawa ko. Sinimulan kong himasin ang kanyang alaga hanggang sa tumigas ito.  Pumunta ang aking mga daliri sa kanyang sinturon ngunit humarang ang kanyang mga kamay para pigilan ako.






3 comments:

  1. Ha ha ha, kabitin.

    Yuan

    ReplyDelete
  2. grabe ka naman kua gaston mambitin..asan na po ang karugtong nito kua....

    _iamronald

    ReplyDelete
  3. Hi Yuan and Ronald, naka draft stage one month na ata. Unfortunately, under melancholic state ang yutak ko everytime I touch this story, One True Love nga eh :-(
    I will try to publish next Friday and thanks for visiting and reading my shall we say, autobiography? :)

    ReplyDelete