Thursday, January 10, 2013

Ako si Kris

Ako ay si Kris.  Totoong pangalan ko yan.  Ipagpatawad mo kung yan lang ang kaya kong ibahagi sa iyo.

Isa akong gay-in-the-closet.  Sasabihin mo at baka sermunan mo pa ako - bakit di ka lumabas? Masikip, mainit at nakakasakal ang magtago sa loob ng isang closet.

Maraming dahilan kung bakit may nagtatago pa rin hanggang ngayon.  Pwede kong gamitin ang alinman duon, pero hindi ko na aaksayahin ang iyong panahon dahil alam kong di mo ako pakikinggan.

Aaminin ko mahirap ang nagtatago.  Tama ka - masikip, mainit at nakakasakal.  At aaminin ko, naiinggit ako sa iyo dahil ikaw na hindi kailangang magtago ay nakakakilos ng ayon sa gusto mo.  Nalulungkot ako, gusto ko rin sanang masubukan ang humalakhak ng pagkalakas-lakas, ng kumilos ng walang pakialam kung ano ang sasabihin ng nasa paligid ko.  Pero di ko magawa.

Pero, ganun pa man, ako rin ay may mga kwentong gusto kong ibahagi sa inyo.  Pwede namang gumawa ng milagro kahit nasa closet ka, di ba?





3 comments:

  1. haha nice.. kanina ko lang na-stumble tong blog mo.. bago lang pala jan 2013

    alam mo kung paano ko nahanap etong site? haha.. nag search ako ng google ng, "masarap to isubo mo" haha.. wala lang

    ReplyDelete
  2. I salute u. For telling all ur sexcapades. And maybe ur very lucky for having work and everything to live life. Aq kc open secret s family q. Pero open out s lhat ng friends q. Pero somehow bcoz of the family's societal status while i am rising i am still has reservation. And i want limitations at d same time freedom from responsibilities. Svi q nga. Im willing to work as a maid in house without any salary. Basta libre pagkain at tirahan at ang basic nescecity q. I dont nid new dress and luxurious life. Just normal one to live hPpy and aCcepted

    ReplyDelete
  3. Lumaki kc aq s isang pamilya n kilala s lipunang aming ginagalawan. At halos malaking bahagi ng buong bayan yata ai pagmamay ari ng pamilya. And in our family there is a great value to morality.

    ReplyDelete